♕[KABANATA 19]♕

4.2K 95 1
                                    

Alisha Point of view...

Nandito ako ngayon sa labas ng palasyo, palakad-lakad hanggang kong saan ako dalhin ng paa ko.

Hindi ko kasi kinakaya sa loob, parang umiikot paningin ko sa laki n'yon, hindi ko mapigilang tumingala dahil sa ganda ng mga nakadrawing sa kisame. At sa nakadagdag pang mga chandelier na bawat mga kanto, meron.

Sumasakit lang ang batok ko sa katitingala, kung hindi naman ako titingala, mahihilo lang ako sa daming pasikot-sikot ng palasyong 'yon, ang daming pinto.

Nagtataka tuloy ako kung para saan ang mga 'yon dahil kakaunti lang ang mga taong nakikita ko sa loob.

Kaya siguro lagi lang nag te-teleport si Prince Cayben dahil pati siya naliligaw sa laki ng palasyo niya!?

Natigil ako sa paglalakad ng dalhin na ako ng paa ko sa bandang likod ng palasyo, Malawak ito at tila araw-araw nalilinis.

Ngayon ko lang napansin ang simoy ng hangin sa lugar na'to Napakasariwa walang bakas na maruming hangin mula sa mga sasakyan.

Ang sarap sa pakiramdam para kang hinihili ng hangin para makatulog, parang hinahamplos ng hangin ang aking balat sa bawat daan nito.

Nakapikit lang ako habang dinadama ang hangin ng may maramdaman akong tumabi sakin.

Napangiti ako ng pakita ang pinsan ko pala, no'n pa man gusto ko ng makakilala ng kapag-anak ko, gusto koring nakaramdam na isa sila sa poprotekta sa'yo maliban sa totoo mong pamilya.

"Hi, Prince jamik Anong ginagawa mo dito?." nakangiting tanong ko dito.

"Hindi ko alam, ikaw?" sagot niya ng hindi tumitingin sakin.

Nakangiting umiiling ako. "Hindi ko rin alam e." sagot, hindi na siya nagsalita kaya panandalian kaming natahimik.

Habang ako nagiisip kong anong magandang mai-open na topic, ang hirap din kayang kumausap sa taong hindi masyadong palasalita. Sana mafeel n'yo iyon.

Napangiti ako ng may maalala. "Prince Cayben, ilang taon kana?" tanong ko dito.
Bored na tiningnan naman niya ako sandali saka binalik ang tingin sa harap.

"Bakit?"

"Wala, natanong lang." sagot ko
'ang awkward kasi' gusto ko sanang idagdag pero hindi nalang nAfe-feel niya rin naman siguro 'yon.

"23"

"Ah ako 20 na... may kapatid ka ba?"

"Meron."

"Ah ako hindi ko alam, pero sa kabilang meron... May girlfriend kana ba?"

"Wala."

"Ah, ako rin wala, ang tagal naman kasing dumating ng prince charming ko. tulad ng prinsesa mo." pagkasabi ko n'on sinamaan naman niya ako ng tingin kaya napatuptup ako sa bibig ko.

Eh? Did i said something wrong.

Tumahimik nalang ako at tumingin din kong saan siya nakatingin, at halos mangisay ako sa kilig ng nakatingin pala siya sa magandang babaeng namimitas ng bulaklak.

Nag-aasar na tinulak ko siya kaya muntik na siya napasubsub sa gulat.

"Ikaw ha, kaya pala ang tipid mong sumagot dahil naabala ang pagsilay mo." panunudyo ko.

"Tumigil ka Prinsesa Grania." seryosong sabi niya kaya napalabi nalang ako at tiningnan uli ang babae, ngunit nagtaka ako dahil wala siya kaagad

nakakunot ang noo kong binalingan ang katabi ko. "Asan na siya?" takhang tanong ko.

"Tsk, ang ingay mo kasi." sabi niya, ganun ba kalakas boses ko para marinig agad niya? saka ang bilis niya ah nalingat lang ako sandali nawala na.

"Sino siya, insan?" tanong ko ulit, pero mukhang naiirita na siya sa katatanung ko kaya nanahimik nalang ako.

"Siya si Prinsesa Celle, kapatid ni Principe Cayben." biglang sabi nito ba kinagulag ko. Biruin mo may kapatid pala ang isang 'yon, hindi man lang ako sinabihan para nagkaroon ng kaclose dito sa palasyo.

Pero mukhang hindi ko siya nakita kanina ng kumakain kami kasama magulang n'ya!?

"Bakit wala siya kanina n'ong kumakain tayo?" napansin kong biglang lumungkot ang mata niya sa tinanong ko.

"Hindi siya sumasabay kapag kasama ako." sagot niya napakagat nalang ako ng labi.

Ayan kase kadaldalan mo Alisha/Prinsesa Grania, nakahurt ka tuloy ng feelings. May LQ 'ata sila.

Sandali kaming natahimik habang nakatanaw lang sa mga bulaklak na pinagpipitasan kanina ng Prinsesa Celle at sa mga paru-paru.

Pero sadya 'atang nade-dehydrate ang tenga ko kapag walang naririnig na ingay sa paligid.

Nasanay na kasi ako na kapag nananahimik ako bigla nalang nag dadatingan ang mga kaybigan ko na gumugulo payapa kong mundo.

Sobrang namimiss ko na talaga silang tatlo lalo na si Ate.
Kamusta na kaya siya?! sabi ni Principe Cayben susunod agad si Ate pero bakit ang tagal? Kapag nalaman ko lang na ene-choss niya lang ako humanda siya sakin makakatikim special menu ko na sweet uppercut.

"Prince Jamik, pwede mo ba akong kwentohan tungkol sa pamilya ko?" basag ko sa katahimikan.

"Bakit?"

'tss bakit ba kapag magtatanong ako sakanya sasagutin niya rin ng bakit!? Nakakainis na Bakit 'yan'

"Para habang hindi ko pa sila nakikita, alam ko na kung ano sila."
sagot ko tumango naman siya kaya hinanda ko na ang tenga ko sa pakikinig.

"Si Reyna Amelia ay isa sa hinahangaan ng lahat dahil sa pagiging warrior queen niya, Siya rin ang iniidolo ng mga kababaehan sa katapangan.
Si Reyna Amelia ay may kapagyarihang makapag pagalaw ng mga bagay kahit hindi niya ito hinahawakan, kaya niya ring patigilin ang oras.

Ngunit hindi na niya nagagamit ang lahat ng kapangyarihan niya simula nang mawala ka, mahina na siya at naging malungkutin. nagkaroon narin siya nang sakit.

hindi na siya tulad ng dating tingin palang niya nakakasindak na. malaki ang naging epekto sakanya ng pagkawala mo Prinsesa Grania."

"Si Haring Maddox ay nagtataglay ng tubig na kapangyarihan, siya ang tinatawag na mapagkalingang hari dahil sa dami niyang tinutulungan, ngunit siya din ang namumuno sa magagaling at magigiting na warrior ng kahariang Rivendale.

Ngunit nadagdagan ang naka-atang sa kanyang responsibilidad dahil sa pagkaka-sakit ng iyong ina.

Kaya kong maari Prinsesa Grania, bilisan mo ang pagbalik para saiyong mga magulang. Hinahantay ka nila, nangungulila sila ng pagmamahal ng anak ngayon lalo na't tumatanda na sila."
Nakikinig lang ako sa kanya habang kinukwento niya ang magulang ko hindi ko mapigilan hindi tuluan ng luha lalo pa ng kinuwento niya sakin ang mga pinagdaanan nila ng mawala ako.

Gusto kong sisihin ang sarili ko, kung hindi dahil sakin hindi magkakasakit ang aking ina sa pangungulila at ang aking ama sa hirap ng responsilidad na dapat ay pinagtutulungan nilang dalawa.

Maging ako, simula pagkabata ko'y naghahanap na ako ng nagmamahal ng magulang akala ko noon ayaw samin ng magulang namin.

pero tulad din pala nila ang nararamdaman kong nagngungulila, naghahanap din sila ng pagmamahal ng anak na dapat ay nabigay ko sa kanila kung hindi lang ako naihiwalay.

Kung hindi siguro ako nilayo sa kanila, tulad parin ng dati ang aking ina, malakas, kinatatakutan at hinahanaang babae at aking ama na palaging nakangiti at walang bakas na pagod sa mukha. At siguro sabay na nila ako ngayong tinuturuan kung papano makipag-laban.

Kunting panahon nalang makakasama narin tayong kami, at wala nang sino man ang nakapaghihiwalay sa amin,  pupunan ko naman ang pangungulila nila sa akin sa pamamagitan ng ako naman ang mag-aalaga at magpoprotekta sa kanila.

'Hintayin nyo lang ako Ama, ina malapit na tayong magkita-kita, at hindi narin ako makapaghintay na dumating ang araw na 'yon.'

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon