@sa labas ng Kofé café
10:01:43 AM"Best parang kang ewan." Bulong ni Stephanie sa likod ko.
Di ko siya pinansin at patuloy ako sa ginagawa ko. "Best nakakatawa ootd mo. Hindi ka naman masyadong naiinitan sa Pilipinas noh?" Dagdag niya.
Again, di ko siya pinansin. Sabi ko na nga ba wrong move tong bring a best friend. "Best napaka creepy mo na. Parang kang kawatan, iba na ang tingin sa atin ni manong guard." Nguso niya sa guard ng kabila. Lakompake. Napaka judger ng guard. Hays.
"Best where's the sun?" Bumuntong huminga muna ako. Konti nalang at mapipikon na ako, di marunong tumahimik eh.
"Best-- ahh ouch!" Agad ko siyang dinaklot to hide behind the wall. Omg! I think I saw her.
"Best! Parang siya na yun!" Nanginginig kog sinabi.
"Oh siya na pala yun, edi tara!" Pasimple niya akong kinaladkad ngunit mas nilakasan ko ang pagmamatigas.
"Ehhh..." pag aanlinlangan ko, "Magpapakita ako best? Parang hindi ko kaya. At hindi rin presentable tong suot ko."
"Kung sana nag dress ka nalang at nagpaka chix, baka mapapansin ka pa niya. Sino ba kasing tanga ang magsusuot ng leather jacket, leather pants, cap, plus may shades shades ka pang nalalaman under the shine and bright and heat of the sun??? Take note, naka boots pa ha! Ewan ko sayo Alyana." Facepalm niya.
Yah right. Nagpapaka spy ako sa outfit kong eto. Gusto ko lang naman siyang makita na hindi ako makikita. :( Ang init tuloy sa loob ng suot ko, tagaktak ang pawis bes. Wew!
"Best listen." Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat, "I. Saw. Her." At yinuyugyog ko eto.
She rolled her eyes, "Oh tapos di mo siya pupuntahan dun?" Umiling ako. Hindi ko pa kaya. "Hala sige para lalo magalit ang tao sayo."
Huhu. "Best ottoke? :("
"Puntahan mo. Kausapin mo. Magpakilala ka ng maayos. That's it pansit."
"Best gusto kong maganda sa harap niyaaa."
"Wala na tayong magagawa sa gusto mo." Sagot niya.
"Langya ka talaga."
•beep•
May nag text. For sure siya to.
Siya nga.From: Anne
Hi Ellaine! Nandito na ako, wearing yellow. San ka?She looks good on yellow. Or might as well on anything, and everything. She's gorgeous in general. Oh kupido, matagal pa ang Valentines pero eto ako ngayon natatamaan na.
To: Anne
SpmFrom: Anne
Spm?To: Anne
Sa puso mo ❤️"Ang korni mo." Ugh, echosera talang tong isa. "Ano na best di ka ba talaga magpapakita? Ang lakas ng loob mo inisin ang tao ngayong mag uusap na kayo ng harapharapan umaayaw ka?"
"Ehhh." Huhu di ko pa kasi talaga kaya. I'm really shy. Nakita ko lang siya ng malapitan ay nanginginig at namamawis na ang mga kamay ko, how much more if we literal face each other na? I kenat!
"Wag kang pabebe tara na."
"Ayoko nga Stephanie. Have mercy on me!"
•beep•
From: Anne
Seriously Ellaine?I peaked on her from our position. Magkasalubo ang kilay niya pag tumitingin sa cellphone niya at sa glass door tuwing eto ay lumilikha ng ingay kung may pumapasok. She's really waiting for me. Hays.