36

3.7K 202 84
                                    

•••
A memory is a photograph taken by the heart
to make a special, and random moment
last forever
•••

"Ellaine!"

Nang maisigurado niyang ako nga ang nakatayo sa harapan niya ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

Nang napakahigpit... At naging dahilan ng pag out of balance ko, namin.

Di ko alam kung pano nangyari pero pagmulat ng aking mga mata ay mukha ni Anne ang bumungad.

Hindi pa nga ako naka recover sa gulat ay panibagong pasabog na naman ang nangyari.

Pwede pause muna? Ano bang nangyayari huhu.

Abot tenga ang kanyang ngiti.

Ang mga mata niya halos hindi na kumukurap kakatitig sa akin.

Ramdam ko ang isang kamay niyang masuyong hinahaplos ang iilang hibla ng buhok nakatabon sa mukha ko.

Naninigas ako sa ginagawa niya. Natutunaw na ako sa tingin niya. At ang puso ko naman ay kumakabog kabog.

Ilang segundo ganun ang posisyon namin hanggang sa natablan ako ng hiya kaya pilit na akong kumawala.

"Ellaine tumigil ka." She sounds so sweet and at the same time authoritative. "Stop it, please? Tingnan mo ko. Just look at me." Kung saan banda ko ipepwesto ang ulo ko ay ganun din sa kanya. Anne why are you doing this?

"Ellaine ano ba..." pikon niyang sambit.

Anong ano ba? Siya ang dapat tanungin ko ng ano ba. Nagpunta ako upang ibigay ang mga papeles at pagkain, yun lang... Yun lang ba talaga, Alyana?

At dahil ayaw niya akong tigilan ay sumuko na ako....

...at pumikit.

Bahala siya. Hinding hindi ako titingin sa kanya. Ehh... nakakahiya! Nakapatong na nga siya sa akin tapos mag a-eye contact pa kami? Jeskelerd! Mah heart... mah soul... Gusto ko pang lumabas ng buhay.

He he he

"Hays! Buksan mo mga mata mo!" Ayan na, galit na si boss.

"Ayoko." Bulong ko.

"Bakit?"

"Ihh basta ayoko." At hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Buksan mo, please?"

"Yoko nga. Nakakahiya!" And I covered my face with my hands.

"Ellaine." Shit naman oh, di ko na appreciate ang pangalan ko pero tuwing boses niya ang tumatawag sa akin tila bang kay gandang pakinggan. "Please?"

"Eh bakit pa?"

Pilit niya inaalis ang mga kamay ko, "Just let me see your beautiful eyes."

Sa di ko malaman na dahilan ay dumilat ako at nag make face, "WEH?"

But uh oh.

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon