11

3.6K 178 53
                                    

One word with 5 syllables to describe our 3-day retreat?

N A P A -
K A B A G A L

Walang halong biro. Napakahirap din magpigil ng mga unholy words. Yung tipong gustong gusto mo na mag curse dahil namimiss mo na ang tao. Hays.

But later on I realized instead of being mabagot, why not pray for the positive things to happen. So I did.

I included her in my prayers. I included us, aside from my family and studies.

And I let the Father, the Son and the Holy Spirit entered my heart.

It was awkward at first kasi hindi ako sanay sa mga religious activities at maging ganito ka seryoso to communicate Him, pero nagtagumpay pa rin ako. ;)

We're heading home na! Walang katumbas ang excitement na nararamdaman ko ngayon.

I missed tequila.

I missed her.
So much.

Her voice, her laugh, everything about her.

Parang akong timang nakangiti habang hawak-hawak ang cellphone kong deadbatt. Gusto ko na talagang umuwi upang makapag charge na rin ako.

"Best you're creepy." Bulong ni Stephanie sa akin.

"In love lang." Mahinahon na sagot ko.

"Kay Anne?"

"Who other else?" At ngumiti ako ng kay tamis tamis.

Napa-tsk naman si best friend ko. "In fairness maganda si Anne mo."

"I know right?" Super proud ako sa kagandahang taglay ng Anne ko. Nakaka in love lalo 😍

"Ay teka, may kinuha akong photo mula kay ate." Tsaka niya ipinakita sa akin ang picture sa cellphone niya.

"Ano yan?" Nagtatakang tanong ko.

"Tingnan mo lang." Ngumisi siya.

Nagtatakang tiningnan ko rin ang picture hanggang sa nakita ko ang para sa akin. "Omg. Omg! Si Anne ko ba yan!?" Masaya kong tanong. Tango lang ang sagot niya.

At dahil sa kilig ay di ko napansin na nabugbog ko na pala ang katabi ko.

"H-hoy Alyana tama na! T-tama na! Napaka sadista mo naman!" She cried while shielding herself. "Ang oa mo ha, group picture lang to ng team nila ate tapos ganyan agad?"

Behlat lang ang naging sagot ko at hinablot agad ang cellphone niya.

Hanggang sa nakarating kami sa school ay nakatitig pa rin ako sa sinabing picture.

Pasensya, in love eh.

"Wala ka bang picture niya?" Tanong ni Stephanie habang naghihintay ng jeep.

"Meron kaso deadbatt." Hihi, actually marami na rin akong na saved na photos niya sa phone ko. Sorry foes, in love lang.

"Oh sige na best, sasakay na ako ha. Mag iingat ka." Pamamaalam niya.

"Ingat din sila sayo best." Sagot ko.

"Ulol."

Tumawa ako bago nagsimulang lumakad pauwi ng bahay. Ako lang ang excited umuwi na pinili ang maglakad kesa sumakay. Haha! I just love walking. Hindi kasi ako nag e-exercise so binabawi ko rito.

Kung ngayon ay mag isa ako naglalakad, I know, soon, katabi ko na si Anne. Magka holding hands pa!

Aha! My goal: hhwwpssp
Holding hands while walking pa sway sway pa

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon