23

3.2K 187 38
                                    

Nasaksihan ko ang gulat sa mukha ni Anne nang nakita niya ako at alam kong ganun din ang nakita niya sa reaksyon ko. Kamuntikan na ako nalunod sa moment namin ni Loisa na halos makalimutan ko ang dalawa sa grupo.

"Anne! K! Where've you been? May pizza dun sa table oh, tara kain tayo." Hindi alintana ni Loisa ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko while gently dragging me to the table. "Take this one." Siya na mismo ang kumuha ng isang slice upang ibigay sa akin. "Hey guys what are you waiting for?" Tanong niya sa mga kasama.

Nang napansin ni Loisa ang mga may kahulugang tingin ng mga tao sa paligid ay dun din siya natauhan sa kamay niyang kanina pang nakahawak sa akin.

"Oops hehehe, sorry. W-we're friends, aren't we?" Shet ang cute cute niya, halatang nahihiya. Mahina akong tumango, "See guys. Yung mga tingin niyo talaga. Kaya tara kain na nga tayo!"

Pagkatapos ng lafang ay kanya-kanyang pwesto na ang mga trabahante sa kani-kanilang mga mesa habang naiwan akong nakasunod kay Loisa na sinusundan naman ni Jira.

We're heading to the presentation room dahil nakasulat sa Memorandum of Agreement namin na kailangan ko i-discuss ang pagiging intern ko sa kompanya. Ang oa lang talaga ng school di ba? Haish.

Habang naglalakad ay hindi mapigilan ng pares kong mga mata na hanapin siya. Bago ko pa kagatin ang pizza kanina ay umexcuse si Anne na hanggang ngayon ay di pa bumabalik.

Teka nga Alyana, ba't ba hinahanap mo? Duhhh...

Nang makapasok na kami sa presentation room ay sinet up at hinanda ko muna ang powerpoint presentation ko. Kumatok at pumasok si Barbie kasama si Karen at nang isasarado na sana ang pinto ay may tumulak mula sa labas at iniluwa si Anne.

Shit. Si Anne! Ang ibig bang sabihin ay kasali siya sa mga taong makikinig sa akin? Oh em! Eto ang hindi ko prinepara.

Bigla naging kabado ang katawan ko sa gagawin dahil sa kanyang presensya. Sana hindi ko nalang siya hinanap di sana ako manginginig ng ganito. Tsangina naman oh, bumabalik na naman ang Anne effect sa systema ko na kailanma'y di magagamot ng kahit anong anti-allergic medicines. Jusko po.

"So shall we start?"

Ngumiti ako ng pilit sa tanong ni Loi-- miss Loisa. Hindi ko pinahalata ang nanginginig ko kamay pero bes, tagaktak ang pawis ng mga kamay ko, jusko! Pasimple ako gumalaw upang silipin si Anne pero nak ng tokwa, isang napakalaking kagagahan ang ginawa ko. I caught her staring at me, at ang mas nakakainis pa ay alam kong alam niya ang nararamdaman ko dahil sa pilyang ngiti na pinakita niya sa akin. Urgh Anne! Bakit ka ganito?

I rolled my eyes, wala akong paki kung nakita ng iba ang ginawa ko. Di dapat ako magpapa apekto kay Anne, as much as I can remember I'm mad at her. That's it.

Bigla akong nailang nang tumingin ako sa pwesto ni Loisa, nahuli ko siyang nakatitig sa akin tila bang inoobserbahan ang bawat galaw na ginagawa ko sa harap. Jeske naman, kung hindi si Anne si Loisa naman ang poproblemahin ko sa report na eto.

Eh kung magsimula ka na jan Alyana para matapos na ang problema mo? Yeah tama, I better start.

Huminga muna ako ng malalim bago ko ibinuga eto ng palihim, tsaka ako nagsimulang mag salita sa harap.

Pagkatapos ng hindi hihigit na sampung minuto ay salamat sa Diyos natapos ko na ang report ko by not looking at Anne even if I was given the chance. Bahala siya sa buhay niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga titig ni Loisa na para bang iniihaw ako. Kahit naiilang ay ginawa ko pa rin ang dapat until to the final slide. Wew! Success! High five Alyana, you did a great job!

"Okay, the floor is open for some questions if it's okay with you miss..." Binuksan ni Loisa ang folder na naglalaman ng mga papeles ko, "Miss Arreza-- we have here some things to clarify, if you don't mind." Here's miss Loisa and her professionalism in front of me.

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon