25

3.7K 177 67
                                    

"Ano best, kumusta first day mo? San company ka na assign, for sure hindi sa kumpanya kung saan nagtatrabaho si Anne noh? Kasi nga, ang laki laki ng lugar natin at di ko dapat maliitin. So ano na, ano na???"

"Stop acting like you know nothing Stephanie. Nice try."

"Because I really don't???" Napangiwi ako sa mukha niya. Nagpapaka inosente, di bagay sa pagkatao niya.

"Tse. You're abusing the use of your power. Alam kong trinaydor mo ko at ginamit mo pa si ate Stella para doon ako ma assign. Right, best?" Sarcastic kong tanong.

She gasped. "OH REALLY??? What a small world after all!"

"Nye nye." Kahit kailan talaga napakagaling magpanggap ang babaeng to.

"So ano na, chikka ka na!!!"

"Teka nga Stephanie, di ka man lang magsosorry sa akin? Nabisto na kita." Pagalit kong tanong.

"Ako, magsosorry? Excuse me Alyana, ikaw nga to dapat mag thank you!" Pagalit din niyang sagot. Tsk.

"Bahala ka sa buhay mo." Tumayo ako at balak mag walk out. Nang nasa ikatatlong hakbang na ako ay napatigil ako.

"Oh ano bat ka tumigil jan? Lumabas ka, mag walk out. Jan ka naman magaling di ba?"

Lumingon akong naka-crossed arms, "Eh bakit ako aalis sa pamamahay ko? Dapat nga ikaw ang lumayas."

"Halika nga dito." Hinila niya ako at pinaupo sa sofa, "Bakit ba napaka sensitive mo pagdating kay Anne?"

"Bakit ba napaka insensitive mo pagdating kay Anne?" Bato ko pabalik.

"...because I just want you to be happy?"

"Do you think making these things make me happy?" Tumaas ang tono ko.

"I believe it helps! It's either magiging okay kayo, o magiging okay ka mag isa." She winked.

"Wala, walang nangyari kanina. Masyadong cold si Anne sa akin o ewan ko ba, basta sabi niya professionalism lang. Kung gusto niya ng professionalism eh di bibigyan ko ng sandamakmak ng professionalism! Kung maka asta yung babaeng yun parang walang kaming pinagsamahan, parang hindi ako ininsulto last 3 months ago! Ah no, today marks the 4th month since that night happened!"

Oo na, ako na ang galit. Ako na ang naiinis.

"Ano?" Helpless kong tanong sa best friend kong nakangisi.

"Confirmed."

"Confirmed what?"

"That you still love her."

I rolled my eyes, "Ano ba Stephanie. Seryoso ako."

"Seryoso din naman ako ah!"

Urgh. "I never denied."

"You never said yes."

Di ko kinaya at sinabunutan ang sarili ko sa inis. Ang tino kausap ng best friend ko ugggh! "Alam mo naman galit ako di ba?"

"Ay sabagay." Wow all the time hindi niya naisip ang ginawa ni Anne sa akin.

"Ate." Biglang lumitaw si Anton, "Nandito si kuya Joshua."

Mabilis akong tumayo at sinalubong si Joshua sa labas.

"Hi Alay!"

Sumimangot ako, "Alay ka jan. Bat ka napadpad dito???"

"Binibisita si tequila!" Tsaka niya ako dinaanan. Kapal ha, "I've brought something for her to eat."

Isang tawag sa pangalan ni tequila ay tumakbo eto nang parang nasa karera. Iba talaga ang aso ko pag pagkain na ang pinag uusapan.

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon