"Umm..." I growled when I felt something caressing my hair. Mama's home na ba? Napaaga ata ang balik niya. I annoyingly moved my head as a sign that I'm disturbed. I want to sleep more and besides it's Saturday. Masakit ang mata ko dahil nga umiyak ako kagabi. Kumusta na kaya si tequila?
Shit.
Si tequila.
I jumped out from bed when I remembered my pet. "Ma! Si tequila nawawa-- tequila???" Nagulat akong nakita si tequila sa higaan ko, particularly laying right beside me, na nakahiga pa ang ulo niya sa unan ko. That explains why I felt something in my hair a while ago, she must have played or licked it or what. But idc!
"Tequila!" Hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya. "San ka ba galing?! Pinag alala mo ko lintek kang hayop ka." I scolded while hugging her. "Jusko kala ko napano ka." Nakakagigil ang kapangitan niya, swear.
Pagkatapos akong magsawa sa kapangitang taglay ni tequila at nagpasalamat ng paulit ulit na umuwi na siya kahit na nagmumukha akong baliw sa ginawa ko ay agad na akong bumaba para magtanong, umm, more on to investigate?
I'm still carrying tequila with me. "Anton! Pano to nakauwi dito?" Nguso ko kay tequila.
"Di ko alam." Sagot niya habang nilalagyan ng pagkain ang serving plate. Ow? Bumait ata?
Dun ko na rin napansin na may collar tie na si tequila sa leeg niya. "You put this on her?" Umiling siya. "Then who did this?"
"Di ko rin alam."
Kinuha ko iyon. Knowing tequila she hates this thing. "Kung sino man ang huling lalabas ng bahay, make sure of locking the gate. Tayo tayo lang dito sa bahay kaya kung hindi ako ang salarin, who other else to blame naman di ba? At ikaw naman tequila wag na wag kang aalis na wala ako. Entender?"
Arf! Arf!
I crumpled her face like a scratch paper. Mukha niya kasi, scratch. De biro lang, love love ko tong aso ko.
"Breakfast is ready!" Masiglang sigaw ng kapatid ko. Whoa? Good mood ang grumpy brother ko. "And also for tequila." Sabay lagay sa sahig ng pagkainan ng aso ko. Nang nakita ni tequila iyon ay agad siyang tumalon mula sa akin.
"Eto na ba konsensya mo Anton?" Pang aasar ko.
"Just eat." Tumawa ako. I know he's guilty of what happened, I know him. Tsaka bago ako umalis kahapon, I made sure to lock the doors and gate. Baka umuwi si Anton at nakalimutan i-lock kaya lumakwatsa ang isa.
Pagkatapos kumain ay nakipaglaro muna ako kay tequila. That was close on losing her, and I cannot imagine what my life would be without her. Char lang, but I'm sure magiging emotional ako.
Sabado ngayon at wala akong Saturday classes because I'm, umm, cool. Joke, wala talaga sa schedule ko ang Saturday class ngunit meron si Stephanie simply because she's not cool.
When I sensed that tequila is getting tired na ay tumigil na rin ako sa pangungulit. I'm bored pero ayokong gumalaw, Saturday lazy day you know. So I just sat down to kill the time while watching tequila, who at the moment is also looking at me.