26

3.4K 181 54
                                    

Mas maaga pa ako kay manong guard na naka dayshift. Second day pa lang halos hakot ko na ang pang dalawahang buwan na stress. Kese nemen nagpauto ka sa isang text mula kay Anne.

No. Hindi. Wala.

Memetey men?

Mamatay man.

Joke.

Ay jusko. Mabuti nalang talaga naubusan ako ng load kagabi. Kasi kung hindi baka nareplyan ko na si Anne.

Joke again.

Haish. "Good morning ma'am!" Nagulat ako kay manong guard. "Nagulat ba kita? Pasensya ma'am."

"Manong naman, tawagin niyo nalang po ako sa pangalan ko. Alyana." Pangiti kong sambit.

"Bert, manong Bert."

"Short for Jobert?" Tanong ko.

"Short for Bertolome." He answered.

Tumango ako. "Okay manong Bert."

"Ba't ang aga aga natin ngayon ma'am Alyana?"

"Ah eh hehe, early bird catches the worm daw manong."

"Nah ma'am, ilang taon na ako dito wala akong nakitang uod dito ni isa." You can see amazement in his face.

"Manong naman napaka literal mo." I giggled. "Ilang taon ka na po dito?"

"Magsa-sampu."

"Oh talaga?" Mangha kong reaksyon. "So kung ganun marami ka na pong nakilala dito? Yung mga bago at tenured?"

"Oo naman, marami. Iba nga umalis tapos bumalik." Sagot niya.

"Sinu-sino po ba ang mga matagal na dito?"

"Gaya ng sabi ko, marami." Napaka broad ng sagot ni manong. Huhu.

"Tulad nino po?"

"Marami nga ineng." Napakamot ako sa ulo ko.

Bahala na. "S-si An-- si ma'am Anne po?"

"Anne... Anne. Ah oo, si ma'am Anne! Mabait yun pati anak niya mabait. Gwapong bata mana sa daddy."

Biglang tumunog ang invisible bell sa loob ng tenga ko, "Daddy ni Koko?"

"Kilala mo ang bata ma'am?" Tumango ako, "Manang mana talaga kay sir David yung bata."

Sir David? Hindi ba dapat Paulo? Yan Alyana kakastalk mo. "Dagdagan pa ang kagandahan ni ma'am Anne kaya ganun ang kalabasan ng bata. Sayang nga eh di sila ang nagkatuluyan."

Tumunog ulit ang invisible bell sa kalooblooban ng tenga ko but this time it cheers for celebration. "Po? D-di sila nagkatuluyan?"

"Oo ineng."

"T-talaga po?" Wew. Akala ko may karibal pa ako aside from K. Talaga lang Alyana ha. "Bakit naman po?"

"Teka, bakit napaka interesado mo ma'am?"

Napakamot ako sa likod ng leeg, "Manong naman ang daming tanong." Bulong ko.

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon