35

3.1K 183 42
                                    

"Make some ingat while I'm not around baby girl ha." Hays. Ang boses na walang palya pinapakita how much she cares.

"Ikaw ang mag iingat. Malayo ka eh." I answered back.

"Sanay na ako, ang mahalaga umuuwi ako sa atin. I mean, sa Pinas. Hehe. Oh em, it's my turn na. I'll call you when I get a chance, okay? I'll try. I miss you, baby girl." Then she hanged up.

2 weeks out of the country si Loisa. And I thanked God for it.

Ayaw kong gawing panakip butas o pampalipas oras si Loisa. I lied at her once, and I promised not to do it again.

Kahit sabihin kong hindi ko ginawang pampalipas butas (a/n: upang isahan na haha joke) pampalipas oras at panakip butas si Loisa ay mauuwi pa rin sa ganun dahil at this moment I am emotionally vulnerable. Kaya nagpapasalamat akong kailangan niyang umalis dahil di dapat siya madamay sa sitwasyon ko.

Bumalik ako sa ulirat ko nang narinig ko ang tatlong toktok mula sa labas ng pinto. "Si Anne?" It's ate Stephanie lang pala.

"Umm, wala pa te."

She shrugged her shoulders, "Nakakapagtaka."

"Baka late lang po?" Tanong ko.

"Baka nga. Pero di naging tardy yun ever since. Anyway, call my attention if she's around na ha." I nodded tsaka siya tumayo.

Hmm. I agree. Kailanman ayaw ni Anne ma-late. She hates that.

1 hour, 2 hours passed... Wala pa rin si Anne. Bumalik si ate Stephanie at hinanap siya. "Baka half day lang?" Panghuhula ko.

"Bakit siya mag ha-half day?" Tanong niya.

I gave her ??? look.

"Nag aalala na ako eh. Di man lang marunong sumagot ng mga tawag which is very unusual. Alam niya naman may duty siya."

Kahit iniiwasan ko siya ay di ko itatanggi na nag aalala ako sa kanya. Si ate Stephanie nga halatang worried, ako pa kaya?

"Si K?" Bigla kong natanong.

"Wala rin. Absent daw."

Aw. That answers the question na agad din na gets ni ate Stephanie, "Ahh... yung dalawa talaga." Pilyo niyang ngiti tsaka umalis.

Hay nako.

I had my early lunch here bcoz I got hungry from... umm, nakakagutom din pala ang walang ginagawa noh? Hehe.

Naglalakad lang ako sa loob ng biglang nag ring ang telepono. Agad ko rin eto sinagot ngunit bumungad ang isang boses lalaki. "Ate Anne!"

"Ahm-- umm, sir. Di po to si miss Anne. She's not yet around."

"Ha? Di siya pumasok?"

"Yes sir. May I know who's this so that I could inform miss Anne right away that you called."

"Kapatid niya to, Emman. Anyway nasa bahay lang si ate Anne. Pakisabi dito matutulog si Koko sa amin. Hehe. Thank you, bye bye!"

I frowned.

Nasa bahay si Anne pero ako ang mag i-inform sa kanya? Kung tatawag siya direkta dun sa kanila? Magkapatid nga, may mga topak. TSK...

Maya't maya nagulantang ako nang pumasok si Hannah, hinihingal. "ALYANA!"

Taranta ko siyang sinalubong, "A-anong nangyari? May sunog? Lumindol ba?"

"Wala, ang oa mo." Tsaka siya tumawa.

Wow. Ako pa ang oa? Sino ba sa amin ang kumaripas ng takbo tila hinahabol ng kamatayan?

"Wala pa ba si miss Anne?" I shook my head. She foreheadpalmed (lol) na may tunog. "Oh deads!"

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon