30

3.1K 180 20
                                    

I miraculously survived this day without suffering Anne's sumpong.

Eh malamang, she's not in the office for the whole day. Lol ka Alyana.

And I'm excited to go home na para mabuksan ko na ang letter from Koko. Kilig si ako hihi.

"Huy."

Nagulat ako nang nakita ko ang pagmumukha ni Stephanie sa lobby.

"Huy ka rin. Bat ka nandito? Miss mo na ako?" Asar ko.

"Miss mo mukha mo. Sisingilin kita sa utang mo, di ka man lang nag thank you." At hinila niya ako papalapit sa kanya.

"Long story best. Thank you. Hehehe."

"So musta araw mo with Anne?" Nakangiting aso niyang tanong.

I raised a brow, "Wala naman. Okay lang. Why ask?"

"I ship you two!" Sigaw niya, "Bagay kayo ni Anne!" Sigaw niya ulit.

Taranta kong tinakpan ang bibig niya sa takot nang marinig ng mga tao ang pinagsasabi ng baliw na to. Huhu. "Huy gaga ka ba? Baka may makarinig sayo!" Pagalit kong bulong.

Nakita kong tumingin si manong Bert sa amin kaya isang pilit na ngiti ang naporma sa bibig ko.

"Kwento ka na bilis habang wala pa si ate."

"Wala nga ako maikekwento. Ano ka ba?" I hissed.

"Weh maniwala ako." Tsaka niya hinihindot hindot ang tagiliran ko which made me giggle kasi it's my g-spot deh joke lang kids, kiliti lang pala. "Aminin mo na kasi."

"Best tigilan mo nga ako para tayong ewan." Galit kong saad habang nagpipigil ng tawa.

"Ano na kasi."

Hindi na rin ako nagpatalo kaya kiniliti ko na rin si Stephanie at humagikhik nang hindi lumilikha ng ingay.

But it is impossible.

* aherm aherm *

We immediately stopped when we heard it. Parang nag slow mo kami ni Stephanie nang dahan dahan namin iniangat ang mga paningin namin sa blankong mukha ni Loisa.

Hala! Hala! Si Loisa!

Mabilis kaming tumayo at inayos ang suot namin. "Ahm. Ah, eh. M-miss Loisa."

"Hmm?" She crossed her arms.

Nawala ang sweet at makulit na Loisa sa ipinakita niyang empty face reaction ngayon.

Siniko ko si Stephanie upang magsalita, "H-hello po. Good evening."

"Best--"

"Huy panget!" Nabaling ang atensyon namin tatlo nang narinig namin ang boses ni ate Stella.

Wew, life saver!

"Mas panget ka!" Sagot ni Stephanie. Agad ko siyang pinisil sa tagiliran kasi nga ang kapal ng mukhang sumigaw. "Ay sorry." She whispered.

"Ay miss Loisa! Eto po pala yung kapatid ko, si Stephanie. Remember months ago nung party? She was with me, sila ni Alyana." Pagpapakilala ni ate Stella.

From fierce look turned to confused hanggang bumalik ang pagiging soft and sweet side ni Loisa.

"Oh I remember. So it was you."

"Opo miss. Ako lang naman po ang nakatiis na maging best friend ng babaeng to." At hinila na naman niya ako.

Loisa giggled.

"So we better go? It's getting late na."

"Miss Loisa, sumabay ka nalang sa amin? You almost fainted kanina." Pag aalala ni ate Stella.

"Anong nangyari?"

Di ko alam kung san lupalop akong kumuha ng kapal ng mukha upang itanong yun.

"Ha. Ah, eh. Wala. Tara na let's go home?" Nakangiting sambit ni Loisa.

"Anong wala, muntikan na kaming tumawag ng ambulance ah! Yan kasi kain ka pa ng matatamis alam mo naman allergic ka nyan kapag nasobrahan."

"Oo na, sorry na po ate Stella. Hihi. Uwi na tayo please? Payag ako hatid mo ako." Pa cute pa niya.

Hindi nawala ang paningin ko sa kanya na puno ng malasakit at inis. "Ano ba kasing kinain mo kanina?"

Naiinis ako. Halata sa tono ng pananalita ko. Alam kong nagulat sila ate Stella and Stephanie sa inaasta ko pero urgh. Baka kung ano pa kasi ang nangyari sa kanya!

"Ihh. Wala nga." Pabulong na sagot niya.

"Wala?"

"Wag kang maniwala jan Alyana. Yan si miss Loisa bawal ng sweets." Sumbong ni ate Stella

Dun ako natigilan sa salitang sweets.

I gave her cookies. Matamis. Omg. Is it because of me???

"Wala rin naman kaming kinain kanina, lahat din ng mga tao dito alam kung ano ang dapat at di dapat para kay miss Loisa. So I guess naging pasaway si boss outside the office."

"Stella tara ihatid mo na ako. Let's go home."

"Bawal ka ng sweets? Ba't tinanggap mo pa?" I butted in again.

"What are you talking about?" Sabay tanong ng magkapatid.

"No, no. It's not because of those baby girl. Don't think that way."

"Baby girl?" Sabay na naman ang magkapatid.

Yet I'm not convinced. "Sana di mo nalang yun kinain. I'm sorry." Hays. Didn't know I bring harm with those cookies. Monster talaga.

"Don't be sorry. Hindi nga dahil sa coo--"

"Loisa!" Isang hihingal at nag aalalang Anne ang lumapit sa amin. "Heard that you were attacked by your allergy?"

"Oo at aatakihin ako sa puso sa ginawa mo. What is happening? I'm still not dead." Pabiro niyang sagot.

"Ikaw kasi. Lahat kami nag aalala sayo. Tsk. By the way, to whom it may concern, wag niyo ng bigyan ng matatamis na pagkain to si Loisa, mapa cookies man yan o ano kung gusto niyo makitang buhay pa to ang babaeng to."

Alam ko the target of that bullet is me.

"Chill lang guys. Okay? Chill! Sumasakit tuloy ang ulo ko." Reklamo ni Loisa.

Awtomatik akong lumapit sa kanya at sumuporta, "Gusto mo ng tubig?" I asked.

"I want to go home." She answered.

"Oh tara." Lalabas na sana si ate Stella nang...

"Ate!" Pukaw atensyon ni Stephanie. "Di ba may lakad pa tayo? So di natin maihahatid si miss Loisa at si Alyana?"

Pinandilatan ko si Stephanie. Not now please, don't manipulate my life. Huhu.

"Meron ba?"

"Meron..."

"Ah oo meron. So paano na to?"

"May car ka, Anne?" Nakikita ko na ang dalawang nag aapoy na sungay sa noo ni Stephanie.

Gahd, what have I done to be unlucky for having a best friend like Stephanie?

"Dala ko." Sagot ni Anne.

"Since ayaw niyo, natin pagmamaneho-in si miss Loisa, paano kung ikaw nalang muna ang maghahatid sa kanila? Hmm..."

"Pwede."

"Sure ka? I can drive on my own. Ako na ang maghahatid kay Alyana." Loisa said.

"No." Talagang sabay kaming umayaw.

"Ako na maghahatid sa inyo." Seryosong sabi ni Anne.

"OH YIZZZ!!!" Hindi naman halatang masaya si best sa nangyari. Like, hindi talaga halata. Duhhh... "Taralets bagets!"

Hay nako Stephanie...

"Tara na, pero susunduin ko pa muna si Koko."

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon