40

4.9K 203 131
                                    

Tawagin niyo akong oa pero masakit. At alam kong kailangan ko pang alamin kung ano ang kahulugan ng aking nakita kasi naman baka mali ang iniisip ko, di ba? Pero masakit eh. Nakakatrauma na ang sakit.

Matinding selos at insecurity ang nararamdanan ko tuwing may K sa usapan. The thought of they shared a special part of their past (a/n: paplug po ako ng Vehement haha!), lalo na't si K ang tinuring na nag iisang babae sa buhay ni Anne ang talagang pumunit ng puso kong walang ibang ginawa kundi mahalin siya.

Bakit ba kasi masyadong pa-fall to si Anne? Bakit din ba nagpauto ako!? Hindi ko na alam kung sino ang may kasalanan sa sitwasyon ko. Ang paasa na si Anne o ako na lahat ng galaw niya binibigyan ng kahulugan. Oh ano Alyana anong napala mo? Panandaliang kilig at saya pero panghabambuhay na sakit! Ayan! Di ka kasi nag iisip!

Bakit ko pa kasi sinubukan buksan ang wennpad ko, ayan tuloy iyon ang naging daan na nakilala ko si AnneDitoLangAko. Wala akong ideya na ako ang magpapatuloy sa NagmamahalSayo. Ang galing ko rin nasa gitna ako ng pagluluksa may time pa akong mag joke. Pero tangina, dapat matawa ako sa joke kaso isang ngiti nga di magawa tawa pa kaya?

Di ko rin naman kasi akalain mamahalin ko ng lubusan si Anne. I never thought-- who would think naman di ba? Babae kami pareho, ang agwat pa ng mga eded namin at ang maturity level. Bakit ko pa kasi pinush?

Ang daming tanong, ang daming bakit, pero walang ibang sisisihin kundi ang sarili ko lang. Ang sarili kong nagpadalos dalos nang hindi nag iisip. I risked my heart without informing myself.

Biglaan-- Biglaan ang lahat, basta, ang naaalala ko ay kung gaano ka lakas ang tama ko sa kanya. Crush na crush ko yun. Talagang humanga ako sa galing niya. And for the first time in my entire life ginawa ko ang pag sto-stalk para lang makilala ko siya ng lubusan. Shit naman oh bakit nag rereminisce pa ako?

Hindi ko alam kung saan ako patungo at wala na rin akong paki kung sinu-sino ang binubunggo ko. Ang gusto ko lang ay lumayo at mapag-isa. Pero litse, bakit tila malayo pa ang pupuntahan ko? Bakit parang marami pang oras upang maibalik ang mga alaala namin?

Starting from the first time we chatted in wennpad. Nagalit pa nga siya nun eh, ang horror din kasi ng introduction ko. Haha! Makakalimutan ko ba rin ba ang una naming pag uusap sa biver? With all the lip balm and pasuklay suklay pa pero ang ending nakatulog ako sa kakahintay. Haha! Pero bawing bawi naman sa kilig nung finally nakausap ko na siya. Hihi. And who would forget naman sa mga kakilig namin na conversation? Ugh, those times! And the night when she said labyu? I can't... my heart is suffocating!

Yung supposedly first meet up namin ni sis, deh joke lang, ni Anne na parang nag cosplay ako bilang si Black Widow. At-- at yung totoong for the very first time! For real! Legit!Walang kung anu-anong kacharcharan na eye ball namin ni Anne! Sino ang makakalimot nun!? Syempre wala! Lalong hindi ako! Kasama ko pa nga si Anton nun eh, kumain pa kami sa Yakimix. Oh di ba naaalala ko pa. Walang halong biro, naaalala ko pa ang lahat ng detalye. Lahat lahat.-- Kung paano siya tumakbo patungo sa akin, blurring everything except her in my eyes. Muting the audience audio leaving me to hear the fast beat of my heart. Who would also forget the first back hug she did to me? And the kiss! Ang unang pagdampi ng aming mga labi sa hallway ng cr! Those. Memories. I. Will. Never. Forget.

The rest and everything are still fresh in my mind. Same effect, walang kakupas kupas ang kilig at saya. Remember the first meal we had? Yung gutom na gutom si Anne na kahit chopsticks ang ginamit ay parang hinugasan ang plato dahil walang natira ni isang butil ng kanin? Haha! Yung moments and selfies namin sa Starbucks! Mga pasimpleng halik at manyak moves ni Anne. Urgh!

Pero bakit ganun? Bakit kung mahal mo ang tao lahat ng magagandang alaala ang tumatakbo sa isipan mo? I should supposedly think the night when she insulted me, para masaktan at magalit ako pero-- wala eh. Masakit pero hindi ako galit.

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon