18

3.7K 172 49
                                    

• beep •
From: Stephanie
Handa ka na ba?

To: Stephanie
I think so?

From: Stephanie
Kamay sa dibdib

To: Stephanie
Sira ulo

From: Stephanie
Nasa gate na ako. Nakikipagtitigan sa akin aso mo, takaw naman neto porket may hinahawakan akong pagkain.

Tiningnan ko siya mula sa bintana at ngumisi. Si tequila talaga walang pinipiling tao as long as nakikita niyang may dalang pagkain.

"Aga mo ata?" Tanong ko nang pinagbuksan ko na siya ng gate. "Para kanino yan?" Nguso ko sa pagkain.

"Excited lang kita ayusan." She winked.

I frowned, "Ano bang pupuntahan natin, major event? Okay na ako neto huy."

She frowned too, "What. Don't tell me Alyana yan ang susuotin mo?" At tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"What." Panggagaya ko, "Anong mali neto?" Nagtataka kong tanong.

"Could you at least be revealing? Hello, aakitin mo pa si Anne.-- Hello po tita." Sabay mano kay mama.

"May narinig ba akong mang aakit? Makukurot ko talaga kayo sa singit." Sabi ni mama.

"Ay hindi po tita ah, sinabi ko pong masakitin si Anne." Pagpapalusot ng gaga.

"Sino ba yang Anne na yan?"

"Ang minamahal ng anak niyo po." Bulong ni Stephanie na di lumagpas sa pandinig ko. So I stomped on her foot. "Ouch! Ah eh, friend lang po namin ni Alyana."

"Ah oo I remember. Siya yung pinakilala mo sa akin Alyana?" Tango ang naging sagot ko.

"Meeting the inlaw agad?" Pinandilatan ko siya ng mata, "Maghahanda muna kami sa taas tita ha, wag po kayong mag aalala susunduin din kami ni ate." Si mama na ngayon ang tumango. Agad din kami pumanhik ni Stephanie sa kwarto ko.

"Remove your clothes." Utos niya.

"Bakit naman aber?" Taas kilay kong tanong.

"Because I brought this with me!" Masaya niyang ipinakita ang sexy niyang dress na kailanma'y di niya sinuot sa kadahilanan na wala ng nakatago sa katawan mo, "You'll be wearing this tonight. So maghubad ka na at aayusan pa kita."

"Are you out of your mind Stephanie? Of course I'm not wearing that! That's too much."

"Of course you will! Because tonight will be the judgment night."

"Ayoko nga. Mapanuhotan ra ko ana." (Kakabagin lang ako. Thanks guys! :>) Pagmamatigas ko.

"Wag na matigas ang ulo Alyana. Akala ko ba babawiin mo si Anne?"

"Akin ba siya in the first place para mabawi ko?" Taas kilay kong tanong.

"Alam mo di kita gets. Atras abante patungkol sa kanya."

"Di rin kita gets. Pusher puller ka sa aming dalawa."

"Last na talaga eto best. Kung ano man ang magiging resulta ngayong gabi, magiging firm na ako sa gusto kong gawin mo. Kung ikaw, edi kayo. Kung si K, sorry Alyana pero ikokontrol kita sa ayaw o gusto mo." Pambabanta niya. Isang mahinang tango lang ang tugon ko.

I think it's the right thing to do rin naman.

•••

"Stella alagaan mo ang dalawang buwinggit na to ha. Baka kung saan-saan mapadpad." Mama

ClementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon