"Tissue please." She handed me a new set of rolled tissue papers. "Ayoko neto, gusto ko yung easy." Reklamo ko habang humihikbi.
Sa halip na ibigay sa akin ang hinihingi ko ay tiningnan lang niya ako na walang kaemosyon-emosyon tsaka binaling ang tingin sa sulok ng kwarto. I followed her gaze.
I got it. Nakatambak doon ang mga wrappers at ang mga used tissue papers. "Inubos mo na."
Wala akong choice kundi mag roll at putulin ang tissue paper at ilabas ang kailangan ilabas mula sa aking ilong.
Sana ganito rin kadali ilabas ang sakit tsaka itatapon lang kung saan.
"Best ang sakit sakit na." Alam kong oa pero eto ako ngayon humagulhol sa harap ng best friend ko. Emote na kung emote.
"Pano ba kita icocomfort kung hindi ko alam ang storya?" Masungit niyang tanong. "Ikaw Alyana ha napapansin ko lately hindi mo na ako kinakausap. Nagiging secretive ka na."
"Best! Bakit? Kulang pa ba? Pangit ba ako?" Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang ka emohan ko.
"Yung totoo? Oo." Hindi ko sinayang ang oras at umiyak na ulit. "At mas pumapangit ka sa ginagawa mo ngayon. Umayos ka nga Alyana. Ano bang problema mo?"
Tumayo ako at humarap sa salamin. "Hindi naman ako pangit ah! Ang cute cute ko nga." I sniffed, "Yung nose ko red oh." I tried to smile but every time I try, I failed. May panibagong luha na naman ang tumulo sa pisngi ko. Pero pinopoke poke ko pa rin ang ilong ko, cute eh. Hehe
Ang oa ko! Ang babaw ko! I hate myself.
"Alyana may tinatago ka ba sa akin?" Pangungulit ni Stephanie.
"Wala." Pagsisinungaling ko. "Ano, amm. Hindi ko sasabihin kung sino pero sasabihin ko ang pangyayari. No further questions. Okay?"
She rolled her eyes, "Yan ka na naman. Pero sige go."
"To sum it all this is all about the ex." At isang luha na naman ang nahulog. Shit naman oh.
"Is this all about K and Anne?" Taas kilay niyang tanong.
"We agreed to no further questions." I managed to answer.
"Duhhh." Tumayo siya at pinulot ang mga tissue papers na tinatapon ko sa sahig. "Even if you don't admit it alam kong tungkol to sa kanila. Unless if you're talking about your..."
Lumingon ako sa kanya at binigyan ng panlilisik na mga mata. "Don't you dare mention the devil."
"Unless if we're talking about..." she smirked.
"Stephanie!" Saway ko.
Tumawa siya. "You should have seen your face Alyana! Ang laki pa talaga ng impact niya sayo noh?"
"Nasusuka ako sa mga sinasabi mo. Yuck." I acted vomiting.
"Uyy si best friend ko affected pa rin." Tukso niya.
"Of course not!" Hindi sa defensive pero yan ang totoo.
"Sabihin mo na kasi kung bakit ka nag ge-gate crash sa ilalim ng init na araw at nagdadrama ng ganito? San ka ba galing? Ano bang nangyari?" Walang tigil niyang tanong.