Pagkatapos kong linisin ang mga "kalat" sa paningin ni mama, na sa tingin ko ay di naman makalat tingnan ngunit si mama ang mama dito kaya wala akong ibang nagawa kundi sundin ang inuutos niya. Bakit ko ba to sinasabi sa inyo? Haish, papanhik na ako sa kwarto.
Pagpasok ko pa lang ng kwarto ay isang malakas na "ALYANAAA BUMALIK KA DITOOO" na naman ang narinig ko. Ano ba to si mama, gabing gabi napaka high blood! Talaga bang ganito ang menopausal stage? Haish.
"Ano na naman ba ma?!" Pasinghal kong tanong. Nakita kong mas pumanget ang ekspresyon ng mukha niya kaya bago siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Ano naman PO ba ma?" Grabeh, ang hirap magpigil ng inis.
"Di ba sabi ko sayo ayusin mo tong mga damit sa kwarto!? Bakit nakatambak pa to dito ha, ha!?"
"Ma! Kakatapos lang po ng exam namin. Hello, I was studying kaya, I got no time for that." Pabiro kong sagot.
"Edi gawin mo na ngayon. Ngayon na!"
"Agad agad ma? Di po ba pwede ipabukas nalang po yan?" Trying to suggest.
"Hindi! Isa pa may retreat kayo bukas." Sagot niya. Napatigil ako.
"Ay oo noh! Thank you for reminding me ma!" Pagpapasalamat ko nang kamuntikan ko na yun makalimutan.
"Kita mo tong bata to. Oh sige na gawin mo na ang inuutos ko." Nag hand salute pa ako sa kanya. "I-ooff ko na rin ang wifi."
"Agad agad ma? Too early!" Pagmamaktol ko.
"Nagrereklamo ka ba?"
"Ah eh, hehe. Hindi po."
Hindi ko alam kung ilang oras ang inilaan ko sa pagtitiklop ng mga damit dahil hindi ko nilaan ang atensyon ko dun, bagkus ay ang iniisip ko sa ngayon ay ang pangyayari kanina.
Namiss ko na tuloy si Anne ko.
I miss her hug. I miss her body.
Ay body talaga Alyana?
I miss her hand na rin.
Above all... hihi. I miss her kiss.
Sayang, bakit smack lang ang ginawa namin? Chance na sana yun!
Ang landi ko talaga. Tsk. Pero teka, bago matapos ang gabing eto I need to know the real score of us two.
Char ang tapang ko naman.
It's funny how a person can change you and your perspective in life. Aaminin ko, when I discovered my bisexuality side I never consider the possibilities that I could be together with a girl.
May sexual desire ako towards girls, aaminin ko yan, and I was eager to try it with them to know how it feels. Pero never in my entire life na makipag on ako with the same gender. Kasi sa tingin ko parang hopeless case, maraming sagabal at maraming haharapin. In short, problema lang ang papasukin ko.
But damn. Lahat na yun ay nawala nang simulang nakilala ko si Anne. Parang feeling ko hindi ako aayaw kung ano ang mga bagay na darating sa amin.
Amin agad Alyana? Bakit may kayo ba?
Paminsan minsan naiinis din ako sa sarili ko. Parang ako ang kontrabida ng sarili kong kaligayahan.
Wala namang masama maging realistic.
Ewan ko sayo Alyana Maria Ellaine. Back to us, back to me and my love for Anne pala. where was I? Amm, ah oo. Yung feeling ko kung may obstacle mang magaganap ay gagawin ko ang lahat, lahat upang maipaglaban lang ang pagmamahal ko sa kanya. Ay shet naman.