TWO

586 4 0
                                    

Keera's Point Of View

"Goodmorning po tita Cassey,andiyan po ba si Cyrus?" Tanong ko at pinapasok niya naman ako.


"Ay nako iha,oo kaso tulog pa siya. Ikaw nalang gumising." I just smiled at umakyat na sa kwarto ni Cyrus. Hay nako! Anggulo ng kwarto niya. Lalaki talaga.


"Cyrus..." tinampal tampal ko ang pisngi niya. "Cyrus..cyrus..cyrus.." uh! Tulog mantika!


"CYRUS RYNNE WADE! WAKE UP!!!!" sigaw ko sa tainga niya,nahulog naman siya sa kama. Pumameywang ako at tinaas ang kilay ko.


"ANOBA KEERA!" sigaw niya rin. Tinaasan ko lang siya ng kilay


"Masyado kang tulog mantika! Nakakaurat!" Sigaw ko "sino ba kasing nagsabi sayo na gisingin mo ako?!" Sigaw niya rin


"Si Tita Cassey! Gumising kana kasi diyan! At nang makakain kana,it's already 9 in the morning for pete's sake Cyrus!" Sigaw ko sa kanya.


"Okay...Im sorry Keera" at nagpout siya. I rolled my eyes and smiled. Tinulungan ko na siyang tumayo


"Oo na,sige na maligo kana." He just nodded at pumasok na sa cr niya.


"Hay nako,ang kalat! Nakakainit ng ulo." Sabi ko sa sarili ko. Ghad! Nakakabaliw ang kwarto ni Cyrus.


Malaki nga kwarto ni Cyrus,puno naman ng kalat. Nakakainis,pinagpupulot ko iyon. Blue and white ang color ng room niya. Inayos ko yung picture naming dalawa,napasmile ako.


Si Cyrus ang tumayong kuya at tatay sa akin. Madalas kasing wala si Dad dahil sa business at wala rin naman akong kuya. Only child,pero mas bata parin kung umasta si Cy kesa sa akin. Madalas lang siya magseryoso kapag may nagawa talaga akong mali o alam niyang mali na ang ginagawa ko.


Ganoon din naman ako sa kanya. Ganon namin napapakita pagmamahal namin sa isat-isa hahahaha.


"Iniisip mo na naman ako Ria!" Napatingin ako sa kanya,nakaboxer lang siya at white shirt.


"Pakakapal naman po ng mukha niyo Cy! Bakit hindi mo nalang ako pasalamatan sa ginawa kong pag-aayos ng kwarto mo?" Sagot ko sa kanya


"Sino ba kasing nagsabi sayo na ayusin mo ang kwarto ko?" At dinilaan niya pa ako.


"Ah ganon? K." At humakbang na ako paalis ng kwarto niya pero agad niyang hinila ang kamay ko.


"Joke lang Keera! Hindi ka naman mabiro eh!" Tumitig lang ako sa kanya pero di ako nagsalita. Alam niya nang galit ako.


"Oo na,alam kong kanina pa kita iniinis. Nakakatuwa ka kasing asarin eh! Pero promise behave na ako ha!" Sabi niya sa akin. At nagpuppy eyes pa siya. Uhhhh


"Oo na. Oo na,tara na't kumain kana sa baba. May pinadala doon na pagkain si mama" He just nodded at hinila ako pababa.


"Manang,asan si Mama?" Tanong niya sa isa sa mga katulong.


"May pinuntahan lang po. Kain nalang daw po kayo" sabi ng katulong nila.


"Osige na Cy,kain kana. Ang payat payat mo na oh!" Sabi ko sa kanya,pinitik niya naman noo ko. "Awtch! What was that for?!" At hinamas ko ang noo ko.


"Nagsalita ang hindi payat noh?" I just rolled my eyes "Hindi ako payat fyi! I have curves in all right places Cyrus!" Sigaw ko sa kanya.


"Talaga lang ah?" Nang magsasalita pa sana ako,bigla niya akong sinubuan. Tiningnan ko siya ng masama pero kinindatan niya lang ako,bastusan!


If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon