FOURTY

214 3 7
                                    

Keera's Point of View

"Yun?! Si Lana?!" tinampal ko naman sa kamay si Cy, ang lakas ng boses!

"Shut up, Cy. Kaya ayokong magkwento sa'yo eh" sabi ko and I rolled my eyes and continued eating my ice cream

"Hindi. Nakakagulat kasi pinagseselosan mo pala yun" sabi niya at kumain ng ice cream, tinampal ko ulit kamay niya

"Awtch Ria! Kanina kapa!" I just rolled my eyes, "hindi ko nga pinagseselosan yun!" singhal ko naman sa kaniya

"Oo na. Oo na" sabi niya at kumain ulit ng ice cream, "how come that you know Lana?" tanong ko naman sa kaniya

"Grabe ka, fame yun eh! ang ganda kasi, so sa building namin maraming nagkaka-crush na archi at engineer dun" sabi niya. Agad naman akong nainis

"Kasama kana rin dun?" tanong ko naman sa kaniya. Agad naman siyang sumubo ng ice cream at tumitig sa akin

"Maganda siya pero hindi ko siya crush. Iba parin kasi talaga ang ganda ng taong gusto ko" sabi niya at nakipagtitigan pa sa akin kaya't umiwas na ako ng tingin

"So posible talagang magkagusto sa kaniya si Jaydon?" tanong ko naman sa kaniya

"Walang pag-asa. Si master, pag nagka-girlfriend wala ng pake sa ibang babae. Bale nasa isang babae nalang ang atensyon niya, at sa'yo yun" sabi niya sa akin. Agad akong napangiti at nakahinga ng maluwag atleast diba? Hindi tuluyang namatay yung self-esteem ko

"Ria, kung inaalala mo na mas maganda si Lana sa'yo na mas malaki ang laban niya sa'yo na totoo naman" agad ko naman siyang sinamaan ng tingin

"Joke lang" sabi niya at kumain ulit ng ice cream, "syempre Ria para sa aming tropa mo, at lalo na kay Jaydon ikaw ang the best" sabi niya sa akin at kumain ulit ng ice cream

"Cy, thankyou" sabi ko sa kaniya, natouch talaga ako eh kahit na hindi ko alam kung totoo ba o hindi

"Ano kaba, 'wag kang mag-alala ilang subjects ang kasama ko si Jaydon at si Lana, mababantayan ko si Lana" sabi niya sa akin, agad namang tumaas ang kilay ko

"Si Lana? Diba dapat si Jaydon ang bantayan mo?" agad naman siyang napatigil sa pagkain ng ice cream. I smirked

"Crush mo nga talaga si Lana" sabi ko sa kaniya pero agad siyang umiling

"Hindi! Kasi ano.. baka may gawin si Lana diba? so siya dapat ang bantayan ko" sabi niya pero hindi ko parin tinatanggal ang mapanuksong ngiti ko

"Yieee, kwas ni Cy si Lana.. binata na siya!" sabi ko sa kaniya, sinamaan niya na ako ng tingin

"Lagi mo nalang akong tinutulak sa iba!" sabi niya, "pwede mo naman akong itulak palapit sa'yo" agad namang kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi

"Ano?" agad naman siyang umiling, "wala. Sabi ko, tigilan mo na kakatukso mo sa akin hindi ko talaga crush si Lana" sabi niya

"Bakit naman kasi hindi? Maganda naman siya ah" sabi ko sa kaniya at kumain ulit ng ice cream

"Porket maganda kailangan crush ko na agad? Tsaka mataray yun pagdating sa ibang lalaki, hindi niya kasi alam na trops ko si Jaydon" sabi niya at kumain ulit ng ice cream

"Oy Keera!" agad naman akong napatingin sa nagsalita, "pwedeng maki-share sa table niyo?" sabi niya at bago pa kami makasagot, umupo na siya.

"What are you doing here again?" taas na kilay kong tanong sa kaniya

"Nakain. Wala na kasing vacant na table eh" sabi niya at kumain na ulit. Tumingin naman sa akin si Cy

"Kilala mo?" tanong niya sa akin, agad akong umiling.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon