FIVE

324 4 0
                                    

Keera's Point Of View

Pagdating ko sa classroom ako palang. So Am I that early? Okay lang natuwa pa nga si Mom eh hahahahha. Hindi ko na nakasabay si Cyrus dahil ayaw niya daw at tinatamad daw siya maghintay sakin psh.

"Keera?" Napatingin ako sa nagsalita. Omg...

"X-xavier..." sabi ko nalang! Jusko naman Lord! Bakit ngayon pa?! Hindi ako ready oh!

"What are you doing here? Aga mo ata haha" at umupo siya sa harap ko. Gwapo niya talaga!!

"Hey Keera,still there?" At winagayway niya pa ang kanyang kamay agad na napatikhim ako

"S-sorry. Eh kase maaga ako nagising tapos ayon. Bored din naman sa bahay so I decided na pumunta na sa school" sabi ko ng deretso. Easy Keera,wag kang mautal please. Crush mo lang yan,wag mong pahalata. Magpakababae ka!!

"Ah,tama ka nga naman. Bakit hindi mo kasabay si Lily?" Nagtaka ako sa tanong niya pero baka wala lang.

"Ah iyon? Tulog pa kasi yon for sure. Alam mo naman baka puyat ganon hehe" ako awkward na awkward siya hindi! Jusko.

"Ah. So ikaw? 1 month kana dito. Masaya ka ba?" Aba ano ba namang tanong yan!

"Oo naman Xavier! Masayang masaya.." lalo na't andito ka. Sarap sanang sabihin eh kaso wag na baka,malandi kasi ang dating eh hahahahah

"Good to hear that." At ngumiti siya hala! Yung panty ko baka mahulog! Ay susko. Tsaka good to hear that? So nasisiyahan siyang masaya ako dito? Kasi ayaw niya nang umalis pa ako dito ganon ba yon?! Okay,assumera na ako.

"E-eh ikaw? Bakit ang aga mo ata?" Tanong ko sa kanya,para bawas awkward ganon!

"Ah,maaga talaga ako lagi napasok. Maaga rin kasi akong nagigising eh,tsaka nagbabasa basa ako" sabi niya pa.

I hate being an early bird pero kung ganito naman ang mangyayari araw-araw kapag papasok ako ng maaga aba edi go! Malay mo dito mabuo ang feelings niya para sa akin! Charot.

"Ahhh.." at binalot na kami ng katahimikan. Anobayan....

"Nakakatuwa na nakausap na kita ng matagalan dati kasi hi at hello lang eh hahahaha" ngumiti ulit siya. Jusko naman! Masaya siya na nakakausap ako?! Gasssssh

"Ako din...masaya ako na nakausap kita" sabi ko at nagsmile. Shit! Landi ko huhu. Magsasalita pa sana siya nang may kumalabog. May pumasok sa pintuan. Si....

"Oy Joaquin. Aga ah?" Pumwesto rin si Joaquin at mukhang makikisali sa usapan namin. Ano yon! Panira!!

"Anong pinag-uusapan niyo? Kayo haa! Nagdedate kayo!" Namula ako.

"Hahahaha baliw. Nag-uusap lang kami dito ni Keera. Alam mo na,getting to know each other" waaaah! So gusto niya talaga na may malaman pa sa akin? Ohmy!

"Oy bro tanga lagot ka kay Cyrus nyan!" Sigaw ni Joaquin. Ano namang kinalaman dito ni Cyrus?

"Hindi baliw. Hindi ko siya dinidiskartehan,mas gusto ko lang siyang makilala. Alam mo naman Joaquin. Yun lang yun" sabi niya kay Joaquin ng seryoso.

"Bakit ka defensive? Hahahahaha. Oo na oo na" sabi ni Joaquin sabay tingin sa akin.

"So ano Keera? Hindi mo ba ako crush?" Nagulat ako sa sinabi niya "gago ka talaga Joaquin! Hahahahaha" sabi naman ni Xavier na tumatawa

"Nah. Never,Joaquin. Oo aminin ko pogi ka but that's not enough dapat you know how to treat girl right. Hindi ako nagkakagusto sa mga lalaking mahilig maglaro ng puso ng mga babae" sabi ko sa kanya. Napanganga si Joaquin.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon