FOURTY-EIGHT

176 3 0
                                    

Keera's Point of View

"Orianna, may bisita ka sa baba" agad naman akong napa-unat nang marinig ko ang boses ni Mommy

"Moooooom!" sabi ko nalang at nagtalukbong ulit sa kumot. Ayoko pang magising. Tinatamad pa ako

"Nandito si Jaydon kanina kapa hinihintay!" singhal naman niya kaya't napabangon ako. Ano namang meron at pumunta siya dito? Bakit hindi nalang siya dumiretso dito sa kuwarto?

"I don't wan to see him" sabi ko nalang at humiga ulit. Pagkatapos ng pag-iyak ko kagabi kay Cyrus, siyempre nakatikim na naman ako ng asar sa kaniya pero hinatid niya rin ako pauwi. Alam kong namumugto ang mata ko kaya't okay narin na hindi ko makita si Jaydon

"Orianna!" pasigaw na sabi ni Mommy kaya't napabangon ulit ako, "Fine! Fine!" sigaw ko hanggang sa hindi na siya sumagot. Bumaba na si mommy kaya't humiga ulit ako. Ayokong makita si Jaydon kahit na miss na miss ko siya

"Why you don't want to see me?" agad akong napabangon dahil narinig ko ang boses ni Jaydon. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya, "Umiyak kaba?" tanong niya at lumapit at umupo sa kama ko. Agad naman akong umiwas ng tingin

"Nanuod ako ng movie kagabi hanggang sa makatulog ako" sabi ko na lamang at tumayo. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos

"Keera" agad ko naman siyang tiningnan sa salamin, "I'm saying the truth" sabi ko nalang sa kaniya at lumabas na sa cr. Agad niya namang hinawakan ang wrist ko at pinaharap sa kaniya

"Love," he cupped my face and he stared to my eyes, "Are you mad at me?" malungkot niyang tanong. Wala na, tumiklop na naman ako. Lumayo ako sa kaniya at umiling.

Pinilit kong ngumiti, "I'm not mad at you, love" sabi ko nalang. Nakita ko naman ang pag-ngiti niya

"Good," agad niya naman akong hinapit sa bewang, "Let's go on a date, Love" and he kissed the tip of my nose. Saturday ngayon so walang class. Tumango nalang ako sa kaniya

"Sige na maliligo na ako" pero hindi niya ako binitawan, "Jaydon" sabi ko sa kaniya pero hindi niya parin ako binitawan

"Mahal mo pa naman ako diba?" nanlaki ang mata ko sa tanong ko sa kaniya, "What are you saying?! Ofcourse" sabi ko naman sa kaniya

"Naiintindihan mo naman kung bakit ako nawawalan ng time sa'yo diba?" I sighed. I just nodded. Naiintindihan ko at iintindihin ko

"I'll do anything just to make it up to you Keera" agad akong napatingin sa mga mata niya, bakit may lungkot dun?

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya, "Everyday, I missed you. Everyday, I want to touch you, I want to kiss you, I want to hold you. I just want to be with you everyday, Keera" imbes na kiligin ako sa sinabi niya, nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa lungkot sa mata niya

"I love you" and he wiped my tears. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, "I love you so much. God only knows how much I love you, Keera. Until my last breath, I will always love you and I'll do anything for you" I bit my lip. Lalo akong napapaiyak sa sinabi niya

"I-Iiwan mo ba ako?" tanong ko sa kaniya but he just smiled, agad siyang umiling, "No" sabi niya naman. I just hug him tight

"Don't leave me, Jaydon. Please" agad naman niya akong tinulak ng bahagya at hinawakan ang mukha ko. He kissed my forehead

"I love you" and I felt his lips against mine. We kissed passionately that full of love. Hanggang sa humiwalay siya sa akin

"I love you too" I whispered to him. He smiled. Tinanggal niya ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko, "Sige na love, maligo kana. Wala ka pa pala kasing toothbrush" agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. He just giggled. Agad akong humiwalay sa kaniya at pinalo siya sa braso

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon