FOURTEEN

295 3 0
                                    

Keera's Point Of View

"Keera Orianna bumaba ka nga't may bisita ka!" Sabi ni Mommy habang kumakatok nang pagkalakas lakas.

"Paalisin niyo po muna,pakisabi na tulog pa!" Sigaw ko rin,paano ba naman kasi wala akong tulog! Hindi kami natulog,nagsiuwian rin kami mga 5 am. Tapos pagdating ko natulog ako,hirap pag puyat!

"Go downstairs Orianna!" Sigaw ni Mommy kaya napabangon nalang ako at binuksan ang pintuan ko at padabog na bumaba.

"Sino ba kasi yang bisi----ta" at agad nanlaki ang mga mata ko...oh no! Oo nga pala!!

"Goodmorning?" Sabi niya at ngumiti. ANG GWAPO. Ang gandang umaga naman ito! THANKS LORD!

"N-nakalimutan ko sorry...hehehe" sabi ko at nagpacute. Omg! Wala pa akong suklay suklay,hilamos or toothbrush man lang!!!

"You're cute" sabi niya at ngumiti ulit,yumuko naman ako...namumula ako! Nakakahiya.

"A-ahm..ano,sige bihis muna ako ha? Si Mommy na bahala sayo" at agad agad na umakyat ako at sinara ang pintuan ko,napahawak ako sa dibdib ko ang bilis ng tibok ng puso ko parang gusto niya nang lumabas. Gan'to ba talaga siya magpakilig?

Agad agad akong pumasok sa banyo,mga 30 mins natapos din ako,ayokong medyo matagal sa cr ngayon baka mainip siya't iwan ako,masakit maiwan alam niyo yan.

Napagdesisyonan kong shorts nalang at mag v-neck na white tapos denim jacket tas nag sneakers nalang ako. Hindi naman kasi date diba? Wala siyang sinabi,oo nag aassumme ako pero hindi ko pwedeng ipahalata noh! Nagpowder nalang ako at liptint tapos binlower buhok ko,nagmessy bun nalang ako. Tada! Ganda ko. Agad agad na bumaba ako baka kasi naiinip na siya. Naka 1 hour din ata ako? Hehehehehe.

"Mommy? Asan na si Xavier?" Tanong ko,kinabahan naman agad ako kasi wala na akong makitang Xavier dito sa bahay.

"Asa labas,do'n ka niya nalang daw antayin shytype kasi ata. Ikaw Orianna ha magdedate ba kayo?" Agad naman nanlaki ang mga mata ko at umiling.

"H-hindi po. Promise" sabi ko kay Mommy,ngumiti naman siya.

"Basta don't keep secrets Keera huh? I trust you so much,don't destroy it." Ngumiti ako at tumango

"Opo Mommy,sige na po. Alis na ako,baka naiinip na siya" at agad na nakipagbeso ako at agad na tumakbo palabas ng gate.

"A-ahm,sorry napaghintay kita" sabi ko at kinagat labi ko gwapo kasi niya tapos....namumula pa ako!

"Okay lang,sanay naman ako maghintay" at ngumiti siya at pinagbuksan ako ng pinto sa kotse niya agad namang kumunot noo ko at pumasok,pumasok na rin siya at nagsimulang magdrive.

"Hugot ba 'yon?" He giggled and he shrugged.

"Hindi 'yon hugot o ano,seryoso kasi ako do'n" sabi niya. Naghihintay siya? Saan? Or kanino?

"Ano bang hinihintay mo?" Sabi ko naman sa kaniya,sinulyapan niya ako at ngumiti. Srsly,he's always smiling and I don't know why. Siguro kung hindi ko crush 'to iisipin kong baliw siya.

"Wala,lahat naman tayo siguro diba may inaantay?" Sabi niya pa,agad naman akong tumango. Oo,tulad ko inaantay kita. Ay hahahahaha

"Sa'n mo gusto pumunta?" Agad naman akong napalingon sa kaniya at pinalo siya sa braso na ikinangiwi niya naman.

"Ikaw nag-aya diba? Tapos ako tatanungin mo seriously Xavier?" I asked him with full of sarcasm,he giggled.

"Eh kasi naman diba baka ayaw mo do'n sa pupuntahan natin kaya mas mabuti nang ikaw mag decide" sabi niya. I just smiled,okay lang naman kahit saan basta ikaw ang kasama ko eh. Lande ko hahahahaha

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon