EIGHTEEN

275 2 0
                                    

Keera's Point Of View

1 month has passed, Ilang araw akong hindi pumasok sa school, mag 1 week na ata. Hindi ko pa kasi talaga kayang harapin ang explicit lalo na si Xavier at Lily.

Napaamin pa ako kay Mommy kung anong nangyare akala ko hindi niya ako mahuhuli pero wala eh, magaling siyang makahalata

Flashback:

"Keera, what happened to you? you look so pale, nung mga nakaraang araw ko pa 'yan nahahalata" dinalhan niya na kasi ako ng pagkain sa room ko, 1 araw na rin akong walang kain. Hinawakan niya ang noo ko't leeg

"Wala ka namang sakit ah? pero bakit ganyan itsura mo? these past few days napapansin kong napakatamlay mo at laging mugto ang mata mo Orianna" umiwas lang ako ng tingin kay mommy at kumain ng konti para lang maiwasan siya

"Keera, let's talk. Kausapin mo ako. Tell me, tell me what's the problem.." pinipilit kong 'wag tumingin sa mga mata ni mommy dahil alam kong kahit anong oras pwede na akong mag burst out.

"Keera, hindi ka ganiyan. I missed you, I missed the jolly Keera already. Keera, don't be afraid to tell me, don't hesitate. I'm all ears here baby. Now tell me, anak..." mahinahong sabi ni mommy at hinawakan ang kamay ko kaya wala na akong nagawa at tuluyan na akong napaghagulgol agad naman niya akong niyakap kaya mas lalo akong naiyak

"Mommy, is it really hurts when you love someone? masakit ba ang magmahal? Mommy.." paulit ulit kong sabi, hindi siya nagsasalita hinahagod niya lang ang likod ko

"Mommy sobrang sakit kasi eh, sobra. Kung pwede ko lang ipagamot 'to ipapagamot ko na sa'yo pero kasi...hindi yun ganun kadali. Gusto kong magpanggap na 'di nasasaktan pero ang hirap pala...sobrang hirap gusto ko siyang sumbatan pero 'di ko kaya bakit ganun mom?" at umiyak nalang ako ng umiyak dahil wala na akong lakas para magsalita pa

"Anak, masakit ang magmahal, sobrang sakit pero kaakibat ng sakit ay happiness let me remember you that Keera. Don't hate him, just be thankful to him. Hindi lang siya karapat dapat sa'yo Keera that's why at balang araw pasasalamatan mo siya. I know it's hard to move on, pero sa una lang yun mawawala rin ang sakit and no bitterness. You're a strong woman Keera, I know that and you know that don't hurt yourself. Trust me, everything will be alright" at niyakap ako lalo ni mommy ng mahigpit, i burst out again.

End of Flashback

Masarap palang makapag open up sa mommy mo kasi mapapagaan niya ang loob mo ng kahit konti, mawawala ang sakit ng pansamantala.

Mag-isa na naman ako dito sa bahay, wala si mommy ng 2 days sabi niya papuntahin ko si Cy pero hindi ko na ginawa dahil mas prefer ko ang mapag-isa syempre 'di ko naman maaano si Lily diba kasi nga hindi rin alam ni mommy na magkaaway kami ni Lily. May nagdingdong kaya agad akong lumabas para tingnan nagulat ako sa nakita ko.

"J-jaydon?" tinitigan niya ako from head to toe, I'm just wearing a shorts and v neck shirt.

"Ba't ganyan suot mo? Paano 'pag may ibang pumunta dito?" agad ko naman siyang tinaasan ng kilay, 'di ko siya nagets. Agad naman niya akong tinarayan bwisit.

"Pinapasundo ka ni Cyrus, hindi ka niya daw kasi masusundo kasi marami siyang ginagawa ngayon" ano ba naman 'to si Cyrus, never talaga akong nawala sa priority niya

"H-ha? hindi ako papasok" tiningnan niya lang ako hindi na siya sumagot

"A-ahm, pasok ka muna---" agad niya akong hinila palabas ng gate.

"Huy bakit ba? makahila ah! ang sakit" hindi kasi ako sanay na mabait siya sa akin kahit na konti na mataray pa rin siya

"Get in, samahan mo 'ko" sabi niya sa akin agad naman tumaas ang isang kilay ko, anong problema niya?

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon