FOURTY-ONE

225 3 4
                                    

Keera's Point of View

Kinabukasan, agad agad akong pumuntang school hindi ko hinayaang masunod ni Jaydon dahil ayoko pa siyang makausap. Buti na nga lang at sinundo ako ni Cy, nagpasundo talaga ako

"Oy Ria, aga natin ha?" tanong naman sa akin ni Cy, I just nodded. Wala parin kasi akong mood

"May problema kaba?" tanong niya pero umiling lang ako. Naramdaman ko namang inakbayan niya ako, "libre kita ice cream" bago pa ako umayaw, hinila niya na ako

Nakarating rin naman agad kami sa Ice Cream Parlor, masyado pa kasing maaga kaya pwede pa kaming makalabas ng school

"May problema ba kayo ni master?" I sighed, at kumain nalang ng ice cream

"Kay Lana na naman ba?" agad akong napatigil sa pagkain at tiningnan siya

"I don't know Cy" sabi ko sa kaniya, "Ah, hindi pa kayo nag-uusap" sabi niya naman. 

"Please, 'wag na natin muna siyang pag-usapan. I want to chill" agad naman siyang tumango at kumain ng ice cream

"Basta, andito lang ako ha?" I just smiled a little and mouthed the word 'thank you'

Agad agad naman kaming bumalik ng school, at nagdadasal talaga ako na sana hindi ko makita ko si Jaydon

"Okay kalang ba talaga, Keera?" agad akong tumingin kay Cy dahil alam kong nag-aalala na talaga siya

"I'm really okay Cy, kahit hindi mo na nga ako ihatid sa room ko" sabi ko naman sa kaniya, agad naman siyang umiling

"Alam ko namang ayaw mo na makasalubong si master, atleast kapag kasama mo ako matutulungan kita" I sighed, agad na tumango ako at ngumiti sa kaniya ng kaonti

Nakarating naman ako sa room ko na hindi nakakasalubong si Jaydon, agad naman akong humarap kay Cyrus

"Thank you Cy" sabi ko naman sa kaniya, agad naman siyang ngumiti

"Para sa'yo" at ginulo niya ang buhok ko, "Hindi kita masusundo mamayang uwian, may groupwork kami" agad naman akong nalungkot, pero ngumiti parin ako sa kaniya at tumango

"It's okay, thank you" sabi ko at hinintay munang makaalis siya bago ako pumasok sa room

Hindi na nakakapag-practice sila Cy ng sayaw dahil mas priority na nila ngayon ang studies, ang hirap kasi talaga ipasok sa sched. Agad naman akong napatingin sa phone ko nang mag-vibrate ito

Si Jaydon tumatawag, but I didn't answered it. Hinintay kong matapos ang tawag bago makitang naka 50 missed calls and 30 messages na pala siya sa akin mula kagabi. I sighed, binasa ko ang text niya na ngayon niya lang sinebd

From: Jaydon
Love..

From: Jaydon
Love, please talk to me

From: Jaydon
I'm so sorry. Where are you love? let me explain

From: Jaydon
Love.. please let me talk to you, i love you

I sighed. I don't want to talk to him, natatakot ako. Natatakot ako sa kung anong mangyayari sa amin after this

"Hoy panget!" I rolled my eyes, ayan na naman po siya

"Hoy!" sabi niya at nasabayan niya na nga ako sa paglalakad

"Grabe hindi mo talaga ako kakausapin?" pero hindi ko parin siya pinansin, "ang panget mo" agad ko naman siyang hinarap at tiningnan ng masama

"Stop calling me that" sabi ko sa kaniya, nakita ko namang nag-smirk siya

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon