THIRTY-FOUR

243 4 2
                                    

Keera's Point of View

"Ang aga mo naman?" At tuluyan ko siyang pinapasok sa bahay namin

"Ang bango naman ng luto mo tita!" Agad namang ngumiti si Mommy

"Nambola pa" sabi nalang ni Mommy

"Cy, iho? Ikaw ba 'yan?!" Agad na humarap si Cy at nagmanly hug sila ni Daddy

"Tito, I missed you" he said, agad naman silang umupo sa sofa. So ayon, hindi man lang ako pinansin ni Cyrus

"Pogi kapa rin ha. Diba anak?" Agad na napatingin din si Cy sa akin, agad na kumunot ang noo ko

"Tito naman, syempre mana ako sa'yo!" Hindi ko alam kung galit ba sa akin si Cy dahil sa pagkakaalam ko wala naman kaming problema

Lumayo na muna ako sa kanila dahil pakiramdam ko op ako, agad na pinuntahan ko nalang si Mommy

"Tulungan na kita diyan Mom" I told her, hindi naman siya umangal pa

"Ngayon nalang ulit ata pumunta si Cyrus? Simula nang magkaroon ka ng boyfriend, madalang nalang siyang pumunta dito" hindi na ako sumagot, tinulungan ko lang siyang mag-ayos ng table

"Pinagbabawalan mo ba siya?" Agad na nanlaki ang mata ko sa tanong ni Mommy kaya't agad na umiling ako

"Mommy ofcourse not! After all, he's still my bestfriend" sabi ko naman kay Mommy, agad na napatigil siya sa ginagawa niya kaya't tumigil din ako at tiningnan siya na parang nagtatanong na 'may problema ba?'

"Paano kung umiiwas na siya sa'yo?" Agad na kumunot ang noo ko, "what do you mean by that mom?" She sighed

"Iniiwas niya ang sarili niya sa'yo kasi alam niya nang may magagalit. May limitasyon na siya sa'yo. Hindi mo ba nararamdaman yun? Tuwing kasama mo siya, malayo na siya sa'yo. Hindi na siya madalas bumisita sa'yo at hindi na kayo madalas magsama tulad nung dati. Sigurado ka bang okay lang kayo?" Agad akong natameme sa sinabi ni Mommy.. para ko talaga siyang kaibigan lang

"Mom, I really don't know too. Mom, syempre once na may boyfriend na ako, may limits na kaming dalawa pero hindi pa rin pwedeng magbago ang pakikitungo ko sa kaniya. Pwede parin naman kaming magbonding at pwede siyang pumunta dito sa bahay araw-araw.. pero kasi, feeling ko siya lang talaga ang may ayaw. Hindi ko alam" I said and I sighed

"Talk to him baby para naman maintindihan mo yung side niya okay?" I just hugged Mom.  Iba talaga kapag nanay mo na ang nagbigay ng payo

"Anong meron? Nagda-drama na naman ba kayo?" Agad akong napatingin kay Daddy, katabi niya pala si Cyrus, nung magtama ang tingin namin ni Cy, iniwas niya agad ang tingin niya. I knew it

"Wala, let's eat. Sumabay kana Cy" sabi naman ni Mommy

"Hindi na po tita, hihintayin ko nalang po sina Lily para sabay sabay na kami" sabi niya naman at sumulyap pa sa akin. Ang sabihin niya lang, ayaw niya talaga ako makasama

"Hindi, dati kahit may parating na bisita inuunahan mo naman sila kumain ha? Bakit ngayon?" Uminom nalang ako ng tubig. Mommy ko ba talaga 'to? Bakit feeling ko si Lily ang kasama ko?

"Sige na Cyrus kumain ka na" seryosong sabi ni Dad kaya wala nang nagawa si Cy at kinamot nalang ang ulo niya at umupo sa tabi ko

"Bagay talaga kayo ng anak ko kaso sayang naunahan eh" agad akong nabilaukan sa sinabi ni Daddy

"Are you okay baby?" Tanong ni mommy at inabutan ako ng tubig, I just nodded

"Hon, let's just eat okay?" Kumain lang kami ng tahimik, walang nagsasalita. This is so awkward

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon