Keera's Point of View
"Dianne?" agad ko siyang nilapitan, mukhang nagulat naman siya, "What are you doing here?" tanong ko sa kaniya. Dahil ano nga ba naman kasi talaga ang gagawin niya dito sa school diba?
"I-it's none of your business!" singhal naman niya sa akin. I sighed. Pagkatapos nung mga nangyari, hindi parin talaga ako okay para sa kaniya
"Sige. Una na ako" hindi niya na ako tiningnan pa kaya't umalis na ako. Nilingon ko siya pero nagtaka ako nang makita kong kinaka-usap niya si Lana, maybe nagtatanong siya ng direction.
"Love" agad naman akong napalingon kay Jaydon, "Love, hindi kita maihahatid pauwi. May group presentation kami" sabi niya pa sa akin. Agad naman akong tumango. Alam ko naman talaga na darating talaga ang panahon na mawawalan na kami ng time sa isat-isa pero hindi ko akalain na ganito pala kahirap. Kapag may time ako siya ang wala, pero 'pag siya ang merong time ako ang wala
"It's okay" sabi ko sa kaniya. Agad ko namang naramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Nagkabati rin kami matapos nang nangyari kahapon. Mababaw lang 'yon hindi dapat yun patagalin
"Sasabayan nalang kita mag-lunch, okay?" I just nodded and smile. Agad agad naman na siyang pumila at ako naghanap ng table.
I sighed. Nai-stress na talaga ako sa lahat ng bagay. Aaminin ko na sa relasyon namin ni Jaydon may nagbago. Pareho kaming nagbago
Hindi ko maintindihan. Hindi na kami ganun ka-sweet na tulad dati na laging magkasama. Hindi nga mabubuo ang araw namin kapag hindi kami magkasama palagi eh. Pero ngayon, parang nakasanayan na niya pero ako parang hindi parin ako sanay
Kapag busy ako, I'll make sure na maisisingit ko siya sa time ko pero siya wala. Hindi ko naramdaman na gumawa siya ng paraan. Sa loob ng isang buwan, marami ang nagbago kasama na ang pagsasamahan namin ni Jaydon. Hindi ko nga alam kung healthy pa ba yun sa relationship namin
Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Hindi ako marunong mag-handle ng relationship. Jaydon is my first everything at natatakot ako na darating yung araw na magiging cold na siya at tuluyang mawawalan ng gana at time sa akin
Alam ko na hindi mabuti ang mag-overthink pero hindi ko maiwasan lalo na sa nangyayari ngayon
"Ang lalim naman ng iniisip mo" Jaydon uttered kaya't napatingin ako sa kaniya.
"It's nothing" sabi ko at kinuha ang pagkain ko. Nakakapagtaka lang dahil konti lang ang binili ni Jaydon para sa kaniya, pasta lang at tubig. Dati, hindi naman. Malakas siya kumain kahit hindi naman halata. Napatitig ako sa kaniya
"Jaydon," agad naman siyang napatingin sa akin, "Bakit nangangayayat ka?" tanong ko sa kaniya, "Tsaka mas gumagrabe ata eyebags mo?" tanong ko ulit. Umiwas siya ng tingin at nagpatuloy lang sa pagkain
"Jaydon" pagtatawag ko ulit sa pangalan niya. He sighed, "Sobrang busy lang ako, love" agad ko naman siyang sinamaan ng tingin
"That's not enough!" sabi ko sa kaniya ng naiinis, "Jaydon, you've must take care of yourself. Baka naman sobrang ini-stress mo ang sarili mo. Jaydon, kapag may nangyari sa'yo hindi ko alam ang gagawin ko" sabi ko naman sa kaniya. Maya maya bigla lang siyang ngumiti, he cupped my face kahit na nasa tapat ko siya nakaupo
"Love, I know and I'm sorry. Hindi na mauulit" sabi niya at kumain na ulit. Pero parang hindi ako nasapatan sa sinabi niya. There's something in Jaydon's eyes. Parang may lungkot? oh sadyang sobrang nag-aalala lang talaga ako sa kaniya
"Love, eat your food" ma-otoridad niyang sabi sa akin kaya't kumain nalang ako.
"By the way, magkakilala ba si Dianne at Lana?" agad naman siyang napatingin sa akin
BINABASA MO ANG
If I Stay
Aksi"Maybe If I Stay.. You'll just get hurt" -Jaydon Lawrence Pierce "Maybe If You Stayed.. I'm not hurt right now" -Keera Orianna Carson