NINETEEN

269 5 0
                                    

Keera's Point of View

Nagising ako dahil sa sinag ng araw at dahil sa mga chicken na walang ginawa kundi magtiktilaok. Napatingin ako sa oras 7 am? ANG AGA! Hindi ako sanay na ganito ako gumising.

Agad na naghilamos at toothbrush ako. Nagbun nalang ako pagkatapos at sinuot ang jacket na pinahiram sa akin ni Jaydon kagabi, ang bango kaya hehehehehe. Agad na lumabas ako. Paglabas ko palang amoy ko na yung niluluto....champorado!

"Maganda umaga po Lola Cara" agad naman siyang ngumiti sa akin, tumulong na rin ako sa paghahanda

"Aga mo namang magising iha" at umupo muna siya, kaya tumabi na rin ako. Ang lamig kaya napayakap ako sa sarili ko, ramdam ko parin yung lamig kahit na nakajacket ako

"Ah opo hehe, kayo rin po ang aga niyo magising para po sa umagahan" sabi ko na lamang. Ngumiti naman siya

"Sanay na kami ni Lolo Jo mo, probinsiya na rin kasi dito kaya ganon" agad naman akong tumango

"Eh asan po si Lolo Jo?" tapos tumingin ako sa labas

"Pumunta munang bayan para bumili ng makakain natin sa umagahan natin mamaya" agad naman akong napangiti.

"Matagal na po kayo noh? Halata po na mahal na mahal niyo ang isat-isa kahit na nasa katandaan na kayo" ngumiti siya at tumango

"Si Lolo Jo mo? hindi ko naman gusto 'yan eh, pero wala eh iba ang pag-ibig iha" napatango nalang ako sa sinabi niya.

"Lola Cara hindi naman po sa pagiging chismosa ah? Pero kaano ano po ba ni Jaydon si Dianna?" agad namang napatingin si Lola Cara sa akin, hindi kasi ako nakontento sa kinwento sa akin ni Jaydon kagabi. Agad namang napangiti ng malungkot si Lola Cara

"Hindi ako ang dapat magsabi sa'yo niyan iha, dapat si Lawrence. Basta masasabi ko lang na napaka espesyal na tao ni Dianna sa buhay ni Lawrence. Isa sa mga pinakahahalagahan niya si Dianna, ngunit nang nawala si Dianna bumalik ang dating Lawrence, alam ko kahit na iba ang pakikitungo niya sa amin. Ganun din ang naging ugali niya simula nung iniwan siya ng kaniyang ina. Kaming tatlo nina Xavier ang nakasaksi sa pagbabago ni Lawrence" agad namang nanlaki ang mata ko, so bata palang pala talaga magkaibigan na sila ni Xavier...hay Xavier. Ugh Keera!

"I-iniwan si Jaydon?" akala ko sa kinwento ni Jaydon kagabi namatay ang mama niya pero hindi pala.

"Iniwan sila dahil nagkaroon ito ng bagong asawa. Ang kaniyang ama naman ay nasa ibang bansa noon at naghahanap-buhay kaya sobrang nasaktan si Lawrence kaya kami na ang nag-aruga sa kaniya. Sa amin pinaalaga ni James si Lawrence. Pero nang dumating si Dianna nagbago si Lawrence, bumalik ang dating siya. Pero nawala si Dianna kaya't nagbago na ng tuluyan si Lawrence, ngayon nalang namin ulit siyang nakitang ganito iha. Sa makalipas 1 taon na pagdalaw niya sa amin hindi pa siya ganiyan. Siguro ikaw ang dahilan" hindi ko alam pero namula ako sa huling sinabi ni Lola Cara

"Iha, mahina si Lawrence mahina ang puso niya, ang damdamin niya maaaring hindi niya kayanin ang mga problema. Ipinapakita niyang matatag siya pero hindi, kilala ko si Lawrence iha. Kaya sana 'wag mo siyang iiwan tulad ng ginawa ng kaniyang ina at ni Dianna, hindi niya kakayanin kaya sana pagtiisan mo ang pag-uugali ni Jaydon, halata namang espesyal ka para sa kaniya." agad akong napatango sa sinabi ni Lola Cara, hindi ko alam ang pinopoint out niya pero oo nalang ako. Hinawakan ko ang kamay ni Lola Cara

"Hindi ko po yun gagawin Lola Cara, i'll stay by his side no matter what" and I mean it kaya ngumiti ako kay Lola Cara, lahat ng binitawan kong salita totoo. Jaydon is one of my friend too, special friend I think kahit na monster siya.

"Ehem ehem" agad agad naman akong napatingin. Si Jaydon kasama si Lolo Jo pero si Jaydon halatang kagigising pa lang

"Oh sakto pareho na kayong andito, gumawa ako ng champorado para sa umagahan" tinulungan kong makatayo si Lola Cara at maglagay ng mga plato. Pagkatapos umupo na ako sa tabi ni Jaydon.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon