TWENTY FIVE

308 4 1
                                    

Keera's Point of View

Agad namang dumating ako sa school at heto na naman ako, nag-iisa palagi nalang ba?


"Lonely?" napatingin naman ako sa nagsalita


"Tell me Tyler mukha ba akong may kasama?" sabi ko sa kaniya, agad naman siyang napangiti


"Ang sungit. Meron?" Umiling lang ako at nagsorry sa kaniya


"Mukha ka atang problemado? Parang hindi ka nakatulog?" sabi sa akin ni Tyler, agad naman akong naconcious nakakahiya naman. Jaydon kasi eh!


"W-wala 'to, napuyat lang kakanet hehehe" pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin ko dahil kay Jaydon diba? Edi mas lalo akong uulanin ng tukso. Wait-- should I ask Tyler about that? Hindi ko naman ipapahalata na si Jaydon tinutukoy ko eh tama!


"Tyler, can I ask you a question?" agad naman siyang tumingin sa akin at tumango


"Pansin ko lang ha, tuwing mag-uusap tayo sa akin ka laging nagtatanong" natawa siya so ako din. tama nga naman? hahahahaha


"Pero ano ba yun?" sabi niya pa at umakto siya yung parang bata na handang makinig talaga. cute


"K-kasi ano.. 'pag sinabi ba ng lalaki na nagseselos siya sa iyo at sa kaibigan mong lalaki? It means he likes you?" agad namang napa-isip si Tyler


"Oo" agad namang tumibok ng malakas ang puso ko, what's wrong?!


"He likes you, kasi ganun naman eh. Kapag nagseselos ang isang lalaki dahil lang sa isang lalaki syempre nay gusto siya, wala naman nang iba pang posibleng dahilan diba?" agad namang napalunok ako. So it really means that Jaydon likes me?


"Eh paano 'pag 'di naman sinasabi nung boy na may gusto siya sa'yo? Ang sinasabi niya lang is he really jealous" agad na napaisip naman siya. Buti nalang pala talaga at kay Tyler ako nagtanong, matino kausap


"May gusto pa rin yun sa'yo. Nagbigay lang siya ng sign and it's for the girl to find out" napabuntong hininga ako. Pero ayoko mag-assume, baka masabihan akong assumera


"I wonder who told you that?" tapos ngumiti siya ng parang nang-aasar kaya't inayos ko ang pagkaka upo ko


"H-hindi yun tungkol sa akin noh! Y-yung friend ko kasi dati she texted me then she asked me about that, nanghihingi ng advice!" sabi ko naman sa kaniya, siguro naman mauuto ko siya diba?


"Okay, sabi mo eh" tapos ngumiti siya at tumango


"Ow I have to go Keera, our master is here" tapos umalis siya sa tabi ko, at andito na nga si Jaydon. Tiningnan niya ako pero agad akong umiwas. Ano ba 'tong nararamdaman ko?


******
Mabilis na natapos ang klase, kaya inaayos ko muna ang bag ko bago umuwi.


"Let's talk" bago pa ako umayaw hinila na ako ni Jaydon, at napunta kami sa garden.


"A-ano bang gusto mo?" sabi ko sa kaniya dahil naaawkward pa rin ako lalo na 'pag natatandaan ko yung sinabi niya sa akin kahapon.


"You" agad namang tumibok ng malakas ang puso ko, bakit ganito? may gusto na ba ako kay Jaydon? Bakit ang bilis?!


"A-ako? Anong ako?" tanong ko sa kaniya, he stared in my eyes so do I. Hindi ko mabasa iniisip niya, bumuntong hininga siya


"Dumb, seriously I'm not into this. You're not just dumb you're also numb" ang sarap sabihin na "why don't you get to the point" kaso wala eh, nanghihina na ako ngayon. Ang bilis sobra ng tibok ng puso ko, paano kung mali naman pala talaga ako ng akala? Will I get hurt?

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon