THREE

429 4 0
                                    

Keera's Point Of View

Ito na! First day of classes na. Humarap ako sa salamin,inayos ko ang uniform ko. Nag apply ako ng powder at hinayaan kong lugay ang buhok ko tada! Ganda ko talaga kahit kailan. Hihi

"Keera! Anong oras na! First day na first day late ka!" Rinig kong sigaw ni mom. Ano bayan,hindi ko tuloy akalain na doctor si mom.

"Opo Mom! Pababa na!" Sigaw ko rin.

Isang tingin ko pa sa salamin at tuluyan na akong bumaba. Nakita ko na naghahain si mom ng pagkain.

"Mom,doon nalang po ako kakain sa school" I told her "Are you sure?" She asked me. I just nodded.

"Sige Mom. Papahatid na po ako kay Manong Roberto." Sabi ko "Sige,ingat ka" at nakipagbeso na ako sa kanya

"Tara na po." At pinaandar na ni Manong Roberto.

Kinakabahan ako. Makikilala ko narin ang iba pa sa tropa ni Cyrus at makikita ko na si Xavier. Tanggap kaya nila ako? Paano kapag hindi? Anong gagawin ko? Tsaka paano pag isnobin lang ako ni Xavier? Ayoko mahurt. Hayst!

"Mam Keera,andito na po tayo" napatingin ako kay Manong Roberto "sige po,salamat" at bumaba na ako ng kotse

Malaki nga itong school,maayos. Pero maraming students pero alam mong mayayaman. May mga stupidents din.

"BESSY!!" Napatingin ako sa sumigaw. "Lily!" Agad niya akong nilapitan pero may kasama siya,pogi uh.

"So now you're here! Ay wait. Papakilala muna kita dito sa kasama ko---" he cut Lily off

"I'll be the one who will introduce myself Lily! Hi girl! My name is Julian Santos but call me Julianna!" Napanganga ako.

"Y-you're gay?!" Sigaw ko "You don't have to shout ate girl! Medyo nakakahurt ah. Im girl okay? Im not gay!" At naghair flip pa sa akin na akala mo may maififlip.

Ghad. Ano na nangyayari sa mundo?! Crush ko pa naman sana siya eh but uh! He's gay for pete's sake! Nakakaiyak.

"So let's go? Papakilala na kita kela Xavier." At kumapit sa braso ko silang dalawa.

Nang nakakarinig na ako ng tawanan ng mga lalaki ay kinabahan ako. Omg! Paano pag di na pala ako kilala ni Xavier? Sakit non bessy!

"Guys!" Napalingon sila kela Lily,dahilan para magtigil sila sa kakatawa

"Guys,she's the one Im talking about. My bestfriend,Keera Orianna Carson" sabi niya.

"Ria!!" Lumapit naman agad sa akin si Cyrus at inakbayan ako. At lumapit din ang ibang boys

"Tyler John Evangelista at your service" at ngumiti lang siya sa akin. Mabait siya halata.

"Joaquin Villanueva,Keera." At kiniss niya ang kamay ko,namula ako.

"Wala kang karapatan ganyanin ang bestfriend ko Joaquin!" Sigaw ni Cyrus "Ikaw Joaquin ka! Wag mo na idagdag si ate girl sa mga girlalush mo!" Sigaw din ni Julian or should I say Julianna?

Ang hinihintay ko na lumapit sa akin ay si Xavier. Lumapit siya sa akin at nagsmile. OMG!

"Xavier Ryle Smith..Keera" at inabot pa niya ang kamay niya kaya inabot ko din ito. Namula ako! Ang lambot ng kamay ni bessy!

"Ehem ehem. Sige na,punta na tayong classroom" sabi ni Cyrus sabay hila sa kamay ko.

Omygash! Kilala niya parin ako! Hinawakan niya ang kamay ko! AKO NA! AKO NA ANG MAMAMATAY SA KILIG!!

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon