THIRTEEN

317 6 0
                                    

Keera's Point Of View

Naging maayos na kami ni Cy,balik kami sa dati. Buti na nga lang talaga at napakabait ng besprend ko pero wag ka ah. I'll not take him for granted,hindi ako ganon noh!

"Okay ka lang?" Napangiti ako, "oo naman" ngumiti din siya pabalik sa akin.

"Bakit hindi ka nagbreak?"tanong niya naman sa akin.

"Ha? Hindi naman kasi ako gutom,ikaw?" Tanong ko naman pabalik sa kaniya. Ihhhhh,nag-uusap na kami ng matagal.

"Ganon din" tapos ngumiti siya,I just nodded. Wala na kasi akong masabi eh. Diba ganoon naman talaga pag may gusto ka sa isang tao? Natatameme ka,I know it's sounds corny but that's what I feel right now,sorry not sorry.

"May gagawin kaba bukas? After class?" Agad naman akong napalingon sa kanya..don't tell me? Omygosh! Im not yet ready!

"B-bakit?" Tanong ko naman sa kaniya,umayos ka nga Keera! 'wag kang mautal please lang.

"Labas sana tayo? Mall ganon." Sabi niya,napalunok ako. Date ba 'yon?!

"A-ah...s-sige" ngumiti siya nang nakakalaglag panty kaya yumuko ako,feeling ko kasi namumula ako.

"Ano bayang binabasa mo?" At sinilip niya. Nagrereview kasi ako sa Math,test namin mamaya eh. Hirap na! Lagot ako kay Mam Flores jusko.

"Math lang pala hahahahha,gusto mo ba itutor kita sa mga lessons natin ngayon?" Agad naman akong napatingin sa kaniya.

"S-sigurado ka? You know,I hate math so much so I don't know if I'll get it faster" umiling lang siya at ngumiti.

"Ano kaba,okay lang" ngumiti nalang ako at nagkunwaring nagbabasa ulit. Why is he acting this way? Does he also like me? Im falling even more to him and I hate it but if he also like me,then I'll just go with the flow. But...what if I'm wrong? He's just acting this way because he is Xavier. Iiwasan ko nalang mag assume ng sobra lalo na't hindi pa ako umaamin at wala rin akong balak dahil natatakot ako. Natatakot ako sa malalaman ko.

"Hey? Are you listening?" Tumingin ako sa kaniya pero bago pa ako makasagot ay may sumingit na

"Ano 'yan? Nagsosolo kayo ha!" Sabi ni Joaquin at pumagitna sa amin,andito na naman pala silang lahat sa library. Bawal pa naman maingay dito! Ang sungit pa naman ng librarian dito hay nako baka mabanned pa kami dito,hindi pwede.

"Wag mong bigyan ng malisya,tinuturuan ko lang siya sa math, yun lang yun" biglang napawi ang ngiti ko. Ang sakit ha? Bastos mo naman Xavier sa nararamdaman ko,kaiyak.

Napatingin ako kay Jaydon,nginitian ko siya pero umiwas lang siya ng tingin. Bakit? I thought,we're now friends? Akala ko lang ba 'yon?

"Oy guys,nagpaalam ako kay Mom and Dad wala kasi sila for almost 1 week then tinanong ko sila kung pwede kayong mag-overnight sa bahay then they said yes! So guuuuuuuys,are you in or out?!" Sabi ni Lily,at nilahad pa ang kamay niya yung parang sa "maiba taya" ganern

"Im in!" Sigaw ni Joaquin,sumunod si Julian,then Tyler tapos si Xavier. Kaming tatlo nalang nina Jaydon ang hindi naglalagay ng kamay namin.

"Ahm ano guys? Sasama ba kayo?" Tanong ni Lily.

"A-ako? Ahm ano,I'll just ask my Mom first" sabi ko nalang. But ayoko lang talaga,ewan ko kung bakit.

"Me? Nakadepende ako kay Ria noh!" Sabi naman ni Cyrus. Pero si Jaydon tahimik lang.

"Keera,sumama kana! You'll enjoy it,swear! At ito ang unang pagkakataon na makakasama ka namin at ako nang bahala kay tita!" Sabi niya. Pero umiling lang ako.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon