SEVENTEEN

281 3 0
                                    

Cyrus Point Of View

Buong gabi ay hindi ako nakatulog kakaisip kung kamusta si Keera. Alam kong nasaktan siya ng sobra, sinabihan ko na siya pero 'di naman siya nakinig pero 'di ko rin naman siya masisisi.

Kung hindi lang talaga moment ni Lily at Xavier ay malamang, sinapak ko na si Xavier. Lahat kaming explicit ay sobra ang pag-aalala kay Keera kagabi pero napawi naman yun nang malaman namin na nahatid na siya ni Jaydon.

Sobra ang iyak ni Lily kagabi at talagang umiyak pa siya sa akin kagabi sobra ang takot at pag-aalala niya kay Keera, I can't blame her. Hay nako

Gusto kong puntahan ngayon si Keera kaso bawal umabsent dahil may practice kami ngayon at paparusahan na naman kami ng aming master. Takot ko nalang, mamaya 'di na ako makakain ng ice cream eh. Mamaya nalang siguro.

Hindi ba halatang galit ako? Nagtitimpi lang ako, gustong gusto ko ng makapuntang dance roon nang masapak ko si Xavier. Putang ina niya, ang ayoko sa lahat ang sinasaktan ang mahal ko. Oo, kaibigan ko siya pero masisisi niyo ba ako?

Pagdating na pagdating ko sa music room ay may tugtog lang, walang maingay. Pero 'di na ako nagdalawang isip na pumasok

"Cy---" agad na sinapak ko si Xavier. Agad naman akong inawat nina Tyler at Joaquin

"PUTANGINAMO! GAGO KA XAVIER!" agad na nagdugo ang labi niya, gago siya. Si Jaydon ay pinapanuod lang kami

"Ano bang problema mo?! Wala naman akong ginagawa Cyrus?!" agad na nanggalaiti ako sa sinabi niya kaya't sinadyang kong makaalis sa hawak ni Tyler at agad na sinuntok si Xavier pero 'di siya nagpatalo kaya't nagsapakan kami.

"GAGO KA XAVIER! GANYAN KA BA KAMANHID?!" sigaw ko sa kaniya habang nagsusuntukan kami, agad na inawat na kami nina Tyler. Hawak ako ni Tyler at Jaydon samantalang si Xavier ay hawak ni Joaquin

"Xavier at Cyrus! Tama na!" sigaw ni Tyler, alam kong galit na sila. Kahit si Jaydon, nananahimik lang siya.

"Cyrus ano bang problema ba't 'di mo sabihin sa akin?! Baka pwede naman---" pinutol ko na ang pananalita niya, nakakarindi lang

"Puta ka, yun lang masasabi ko sa'yo Xavier." at winakli ko ang pagkakahawak sa akin ni Tyler at Jaydon. At tuluyang umalis

Hindi ako mananahimik kung hindi ko masasapak si Xavier, sinaktan niya nang sobra ang babaeng mahal ko. HINDI AKO MAKAKAPAYAG DOON!

"Cyrus" napatigil ako nang marinig ko ang boses na yun.

"Don't act like you're still a child man" agad na napaharap ako sa kaniya

"Hindi mo alam Jaydon, hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa ni Xavier kay Keera! Nasasaktan din ako, tangina babaeng mahal ko yun Jaydon. Babaeng kahit kailan man hindi ko magawang saktan, yung iniingatan ko Jaydon sinira niya lang! Hindi mo alam ang nararamdaman ko" I know I sounded so gay here, pero ito gan'to ang nagagawa sa akin ni Ria..mahal na mahal ko yun

"Hindi lang ikaw ang nasaktan at masasaktan Cyrus. You'll gonna hut her feelings, if she knows about this. Kapag nalaman niyang nasira ang pagkakaibigan natin dahil sa kaniya, she will blame herself. Think dude, think" at umalis si Jaydon. Alam kong galit siya, cold ang pananalita niya pero alam kong galit yun.

Joaquin's Point Of View

Gusto ko sanang matawa sa mga nangyayari ngayon pero hindi pwede, papatayin nila ako.

"May nagawa ba akong mali? Ano ba 'yon?" tanong ni Xavier habang ginagamot ni Tyler.

"Tanga, nagkaroon ka na kasi ng lovelife kaya ayon nagalit, nagselos ata kay Lily" agad naman akong binatukan ni Tyler

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon