FIFTEEN

329 5 0
                                    

Keera's Point Of View

"H-ha? w-wala diyan lang sa mall" sabi ko at umayos ng tayo.


"Kasama mo sino?" bakit ba kasi ako nauutal? papagalitan na naman ako nito for sure.


"Ano ka ba Cy! Kung umasta ka naman parang si Mommy!" tapos pinalo ko siya sa braso, pero tinaasan niya lang ako ng kilay


"Magkasama kayo ni Xavier diba?" agad namang napapout ako at umupo ng sofa. May reason pa ba para magsinungaling ako?


At first, nakita niya yung picture namin ni Xavier sunod syempre tropa niya si Xavier for almost 10 years alam niya ang kotse ni Xavier. I sighed.


"Fine, yes. Inaya niya kasi ako kahapon! Tsaka ayaw mo ba yun ha? Umaasenso na ang lovelife ko! Malay mo dito magsimula love story---" he cut me off, tinarayan ko siya


"Manahimik ka nga Orianna. You don't know what you're saying. Wala kang alam, 'wag kang sobrang mafall kay Xavier" nainis naman ako sa sinabi niya


"Bakit niyo ba ako pinipigilan? He's kind, gentleman he's the ideal guy of all girls Cyrus! Friends kayo for almost 10 years tapos parang jinajudge niyo siya? What the hell Cy?" tiningnan niya ako ng mabuti at umamo na medyo ang mukha niya.


"Oo mabait siya, alam namin yun. Isa siya sa mga pinakamatino sa amin pero don't fall too hard for him, 'wag mo bigyan ng malisya lahat ng ginagawa niya sa'yo. Ayaw lang kitang masaktan sa huli. Hindi mo pa alam lahat Kee---" I cut him off


"Edi ipaalam niyo sa akin! Ano ba kase yun?!" sigaw ko ulit. Pero niyakap niya lang ako


"Pakinggan mo lang ako, okay lang na maging crush mo si Xavier pero 'wag naman sobra Keera. 'Pag nasaktan ka, sisisihin ko sarili ko..." agad naman akong bumitaw sa yakap niya


"Bakit naman?" tanong ko, agad naman siyang ngumiti ng mapait at niyakap ako


"Kasi mararamdaman ko na pinabayaan lang kita. Kasi mahal kita..... kasi bestfriend kita diba?" agad naman akong napangiti at niyakap siyang pabalik.


"I love you more bestfriend!" at bumitaw na ako sa yakap. At kinurot pisnge niya "ARAY!" sigaw naman niya


"Sweet mo kasi eh hihi. Sige na uwi ka na shoo! Sunduin mo ko bukas ha? Hihi" tapos tinulak ko na siya palabas ng bahay. Nagpout naman siya


"Akala ko naman patatabihin mo ako sa'yo matulog" agad namang nanlaki mata ko at pinalo siya sa braso, tumawa lang siya


"Baliw ka talaga! Sige na pahinga ka na Cy. Goodnight!" sasarado ko na sana yung pintuan nang hinarang niya na naman paa niya


"Lock mong mabuti kwarto mo ha? Pati itong pinto niyo dito, tapos kapag may nararamdaman kang kakaiba 'wag kang magdadalawang isip na tawagan ako ha?" agad namang napangiti ako


"Oo naman po boss" agad naman siyang ngumiti at hinalikan ako sa pisnge at tumakbo paalis.


"Magnanakaw!" sigaw ko at sinarado na ang pintuan. Agad naman akong napatingin sa phone ko, may message pala si Xavier kanina pa. Bwisit kasi 'to si Cy eh binasa ko naman


Xavier💗
Goodnight Keera, thanks sa time mo till next time ha? :)


tumalon at tumili ako. grabe siya magpakilig!!! Pero 'di ko na siya rereplyan, hihihihi. Makatulog na nga!!


*****

Bwisit 'to si Cyrus tinalkshit ako eh, sabi susunduin ako tapos hindi pa gising? Eh ayoko nga malate eh...tsaka isa pa baka maaga rin si Xavier hehehehehe


If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon