TWENTY-TWO

291 3 0
                                    

Keera's Point of View

"Hello cy? nasaan ka na ba? kanina pa ako dito" tanong ko sa kaniya, tinawagan ko na kasi siya kasi sobrang tagal niyang dumating. Nagpasama kasi ako sa mall eh hinihintay ko siya sa jollibee

"Sorry, hindi ako makakapunta Ria. Pero may darating naman diyan hintayin mo nalang sinabihan ko na siya" agad naman akong napapout

"Akala ko pa naman makakabonding tayo, pero sige next time nalang. Thank you cyyyy" sabi ko naman sa kaniya, he sighed.

"I'm sorry Ria pero kailangan mo 'to" bago pa ako makapagsalita inend call niya na, weird?

Agad naman akong napainom sa coke float ko, sino ba kasi pinapunta ni Cy? Baka si Jaydon lagi namang ganun eh.

"Keera.." agad na lumakas ang tibok ng puso ko, sht. Agad na napaharap ako sa likod ko

"A-anong ginagawa mo dito?" agad na napatayo ako.

"Keera please just talk to me please" hinawakan niya pa ang kamay ko at lumuha pero agad niya ding pinunasan iyon. Agad na winakli ko ang kamay ko at nagbuntong hininga at umupo. Don't drop tears please

"Keera all I want to say is Im sorry, i'm very very sorry" at tuluyan na siyang humagulgol. Lumunok ako at pinigilang lumuha

"Alam kong dapat simula pa lang sinabi ko na sa'yo na may namamagitan na sa amin ni Xavier, but I didn't because I'm not brave like you Keera" sabi niya at umiyak na naman, tuluyan nang tumulo ang luha ko

"Lily akala ko..akala ko kapag hinarap na kita kaya na kitang patawarin pero hindi eh. Sobrang sakit pa rin kasi, but don't worry tanggap ko na. No bitterness, I'm happy for the both of you Lily and I don't have a right to be mad at you because it's my fault. Pero I'm sorry hindi ngayon Lily, hindi ko pa kaya" agad na tumayo na ako't umalis, agad na tumakbo ako sa cr at pumasok sa isang cubicle at dun na humagulgol.

I want to hug Lily but I can't. Hindi ako sanay na gan'to na kami, hindi ako sanay na pinag-awayan namin ang isang lalaki. We've made a promise na never kaming mafafall sa isang lalaki but we broke it. Nagring ang phone ko, I answered it.

"Keera.." hindi nalang ako nagsalita, wala kong sapat na reason para magalit kay Cy.

"Keera I'm sorry, nagmakaawa lang talaga si Lily---" I cut him off, napapikit ako

"Sunduin mo nalang ako dito please.." pakiusap ko sa kaniya, agad naman siyang bumuntong hininga

"I'm on my way hintayin mo 'ko diyan Keera. Keera please don't do anything bad" agad naman akong napangiti at tumango kahit na alam kong 'di niya ako makikita, I decided na lumabas na sa cubicle naghilamos muna ako at inayos ang sarili ko. At tuluyan na akong lumabas

"Ria.." agad na inayos ko ang sarili ko nang marinig ko ang boses ni Cy at ngumiti sa kaniya

"Keera i'm sorry gusto ko---" agad na pinutol ang sinasabi niya.

"That's enough, i know thanks for the effort but not now" at agad na pumasok sa kotse niya, pumasok din naman siya

"Are you okay?" I just nodded, he stopped the car and he cupped my face

"Keera, iiyak mo na. Ilabas mo na but promise me this will be the last time you'll cry please?" agad na napatingin ako sa mata niya, tiningnan ko lang yun. Ramdam ko yung awa't pag-alala niya sa akin. Agad na pinunasan niya ang luhang pumatak sa mata ko, niyakap ko na siya agad

"Shhh, you'll be okay Keera you'll be okay" umiyak lang ako ng umiyak ni hindi na ako nagsalita dahil nahihirapan na rin ako.

*****

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon