FOUR

360 2 0
                                    

Keera's Point Of View

1 month has passed simula nung nakasama ko sila Cy sa iisang school. And I must say masaya ako na bahagi na ako ng tropa nila lalo na't kasama ko palagi si Xavier.

Sa 1 month na yon,mas nakilala ko si Xavier and I must say all of them even Julian. Mas nagiging close kami sa isat-isa.

Si Tyler? Ayon. Napakabait niya pala talaga! At higit sa lahat gwapo pa. And I must say he's the most talented among them. Magaling siyang maggitara,mag piano and even sing! At siya rin ang pinakamatino sa kanilang lahat.

Si Joaquin? Ayon! Cassanova,manwhore! Basta. Araw-araw iba iba ang kasamang babae at araw-araw may umiiyak na babae dahil sa kanya. Pero mabait din naman si Joaquin. Pero wala eh,playboy siya. Pogi rin naman kasi talaga. At siya ang laging nagpapasaya sa lahat,makulit eh pareho sila ni Cyrus! Mas malala nga lang si Cyrus.

Si Xavier? Were still friends. At mabait talaga siya,pareho ni Tyler. At nalaman ko ring close pala talaga sila ni Lily kasi naging magkapit-bahay sila dati nung sa Palawan nakatira si Lily.

Si Jaydon? Still,ganon parin siya. Cold,poker face. Ni hindi ko pa nga yon nakikitang ngumiti at hindi sosobra sa 20 words ang sinasabi niya. At higit don,napakasungit niya sa akin ghad! Kaya ilag ako sa kanya and I hate him so much! At close din sila ni Lily. And I think he likes Lily,iba kasi siya makipag-usap kapag kay Lily. But still,shut up muna ako wala pa akong proof.

Si Julian? Or Julianna gash! Ayon,isa rin yun sa pasimuno ng kalokohan minsan at nakakahawa ang gay words niya! But still,nakakatuwa siyang kasama. At the same time,nalulungkot ako kasi hindi ko parin matanggap hanggang ngayon na he is gay! Gash! Na kahit ikaw pag makikita mo si Julian at makita mo ang galaw niya at pananalita niya,maiiyak ka. Talo niya pa nga ako,naka lip gloss pa siya at face powder araw-araw at minsan girly narin ang pangsuot niya. Pero still wala na akong magagawa don kundi tanggapin ang katotohanan.

"ORIANNA! ANDITO NA SI CYRUS! BUMABA KA NA DIYAN!!" Napasimangot ako sa sigaw ni Mommy.

I don't know kung Doctor talaga ito si Mommy kasi naman! Hindi ganyan ang mga doctor gash! Napatingin nalang ako sa salamin. Nagface powder nalang ako at nagmessy bun. Ayan okay nayan!

"Ayan na ang prinsesa!" Sigaw ni Cyrus at tumayo na sa pagkakaupo sa sofa namin.

"Oh kain na muna kayo dito,ikaw Orianna dito ka muna kumain. Araw-araw kang nakain sa school. And I don't know kung kumakain ka talaga" sabi ni Mom. Kaya umupo nalang kami ni Cyrus tinatawanan lang ako ni Cyrus. Napasimangot ako lalo.

"Orianna,alam kong tinatakasan mo lang yung mga niluluto ko dahil puro ito gulay. Pero anak,how many times should I tell you that---" i cut her off

"Na ang gulay ay nakakapagpahaba ng buhay at nakakaayos sa kalusugan" walang gana kong sambit.

"Ayon,alam mo naman pala. Sige,eat that Orianna. Cyrus,bantayan mo yan. Osige alis na ako! Ingat kayo ni Cyrus ha?" At nakipagbeso sa akin si Mom.

Nung nawala na si Mom,napatingin ako sa pagkain. Tortang talong lang naman. Gash! I hate vegetables. Tumingin ako kay Cyrus na sarap na sarap sa pagkain,napailing ako. Masarap ba ito? No!

"Eat that now Ria para hindi tayo malate" pero tumingin lang ako sa kanya

"And please stop staring at me. Baka malaman ko nalang bigla kay Lily na  ako na pala crush mo at hindi na si Xavier" sabi niya sa akin at sumubo na naman.

"Cyrus...." mahina kong sabi "no Keera. Eat that. Lagot ako kay Tita Kelly" sabi niya at kumain ulit. Pero hinawakan ko yung kamay niya at nagpout.

"Please,Cyrus?" At nagpuppy eyes ako. I hope na tumalab talaga!

"Keera! Ugh! Sige na sige na!" Napangiti ako,tumayo na ako.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon