FOURTY-SIX

177 3 1
                                    

Keera's Point of View

"Ria" agad kong nabitawan ang phone ko at agad na bumaba ng bahay. I make sure na naka-lock ang bahay bago ako nagpahatid sa driver namin. Buti nalang at nandito pa ang driver namin

"Sa hospital po tayo" agad namang tumango ang driver at binilisan ang pagd-drive kaya't agad na nakarating din ako

Nagsalita pa ang driver namin pero lumabas na ako ng kotse dahil kailangan ko na talaga magmadali.

"Ma'am Keera?" tanong pa ng mga nakakasalubong sa akin pero hinayaan ko sila at tumakbo ng tumakbo

"Keera!" agad ko namang liningon ang tumawag sa akin, "Cy!" agad naman akong lumapit sa kaniya

"Tara" sabi niya at tumakbo kaming pareho. Napatigil kami nung napagtanto kong nandito na kami

"W-where's Ford?" I asked him, agad naman siyang yumuko. Napatingin ako sa mga upuan na nasa labas ng room ng kuya ni Ford. Nakita ko siya, nakayuko at parang wala sa sarili kaya't agad na lumapit ako doon.

"F-ford" agad niya naman akong tiningnan. I gasped. He really looks like a mess. Pulang pula at namamaga ang mga mata, gulo gulo ang buhok

"F-ford.." That's all I can say. Hanggang sa bigla bigla na lang pumatak ang mga luha niya

"Keera.. si Kuya.. s-si kuya.. k-kuya" at sinabunutan ang buhok niya kaya't agad ko siyang nilapitan

"Ford.. everything will be okay" agad niyang winakli ang pagkakahawak ko sa kaniya at nakita ko ang galit sa mukha niya kaya't napaatras ako ng bahagya. Agad naman akong hinawakan ni Cyrus sa braso

"Okay?! hindi Keera! Putangina! kasalanan ko 'to! kasalanan ko 'to!" agad na sinabunutan niya ang sarili niya habang patuloy na tumutulo ang mga luha niya kaya't napaluha narin ako, "Kasalanan ko kung bakit namatay ang kuya ko. Dapat ako nalang ang mamatay!" sabi niya at pinagsasasapak ang pader at agad naman siyang pinigilan ni Cyrus

"Ford" sabi ko at hinawakan ang mukha niya, "Ford, please.. calm down, please.." at tinitigan ko siya sa mga mata niya. Kitang kita ko dun ang sakit, lungkot, pagsisisi at galit

"Kuya.." hanggang sa napaluhod na siya. Sobrang nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang tulo ng tulo. Inalalayan naman ako ni Ford

"Gusto ko nang mamatay. Dapat ako nalang ang namatay" paulit-ulit niyang sinasabi kaya't niyakap ko na lamang siya

"We're here, Ford. I'm still here.. shh" at niyakap ko siya ng mahigpit

*****

"Cy, I don't think na dapat na nating iwan si Ford" sabi ko pa at tumingin kay Cyrus, "baka anong gawin niya sa sarili niya" sabi ko nang may halong pag-aalala. I heard his sighed

"Sasamahan ko siya," sabi niya at hinawakan ang pa ang kanang pisnge ko, "but please go home, Ria. You need rest" sabi niya rin sa akin. Pero agad akong umiling at tumingin kay Ford na nakatulala na naman

"I can't.." bulong ko sa kaniya dahil naiiyak na naman ako dahil sa pagkawala ng kuya ni Ford

"Ria, Ford is just Ford. Kakakilala mo lang-" agad naman akong lumayo sa kaniya

"I know. But Ford is like a brother to me. Yung kuya niya ang natitira nalang sa kaniya Cy pero nawala pa. Wala siyang ibang kaibigan kundi tayo lang Cy" sabi ko at tuluyang napaiyak na. Sobrang apektado talaga ako. Halos alam ko rin ang kuwento ni Ford, hindi ko man nasaksihan 'yon. At alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung siya nalang ang natitira sa'yo

"Shhh.. fine, sasamahan ko siya hanggang sa maging maayos siya" I nodded and smiled, "Thank you" sabi ko na lamang kay Cy

"Orianna, let's go" agad naman akong napatingin kay mommy. Nalaman niya rin kasing nandito ako sa dami ba namang nakakita sa akin kanina.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon