THIRTY-SEVEN

266 5 4
                                    

Keera's Point of View

"C-cy?" agad na kinusot ko ang mata ko kung totoo ba talaga 'tong nakikita ko

"Goodmorning Ria!" sagot niya naman at nagpatuloy sa pagluluto

"Cy, baka may hangover kapa! sumakit ulo--" agad naman siyang tumingin nang taimtim sa akin, "saang ulo Ria?" agad namang kumunot ang noo ko

"HAHAHAHAHA wala wala. Umupo ka nalang diyan at hayaan ako okay?" sabi niya at siya na mismo nagpaupo sa akin

"Cy-- iho?" tanong naman ni Mommy, "anong ginagawa mo?", "bakit ka nagluluto? Ako na diyan" sabi ni Mommy at inagaw pa ang pwesto ni Cyrus pero hindi nagpatinag si Cyrus

"Tita, minsan lang po ito tsaka para po matikman niyo naman po ulit ang luto ko" agad na tumingin sa akin si Mommy, I just shrugged, hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganiyan si Cyrus

"Ayan! Okay na" sabi ni Cyrus at tinanggal ang apron sa kaniya, agad akong napangiti. He's cute, at bumabalik na yung bestfriend ko

"Hoy, bakit ka nakangiti?", "Tita oh! Si Ria, nababaliw na ata" I just rolled my eyes at kumain na ng luto niya.

"Omg Cyruuuuuus! Ang sarap" sabi ko naman sa kaniya at sumubo ulit, "Well tsaka Ria, ilang beses mo nang natikman ang luto ko kaya 'wag mo akong bolahin" sabi niya at kumain din

"Pagkatapos nito, umuwi kana sa inyo" sabi naman ni Mommy, agad namang napakamot sa ulo si Cy

"Bakit kaba naglasing ha Cyrus Rynne?" tanong naman ni Mommy, syempre turing narin ni Mommy kay Cy parang anak narin

"Ano kasi tita.. naaya lang hehe" I rolled my eyes

"Nako, kayo talagang mga kabataan. Sige na, ako na maghuhugas at ikaw Cyrus, umuwi kana sa inyo" kaya agad agad kong tinapos ang pagkain ko.

"Salamat nga pala dahil hindi mo ako sinumbong kay mama" sabi ni Cy, napagdesisyunan niyang mag-stay muna. Pahinga daw muna siya sabi ni kay Mommy

"Ayoko lang namang magkasagutan kayo ni Tita, alam ko namang buntis si Tita Cassey" he just smiled

"Cy, tell me.. okay kana ba talaga? Ano ba ang nangyari sa'yo?" tanong ko sa kaniya. He just sighed

"I'm sorry Ria if I hurt you, kung nasaktan kita sa mga nasabi ko, wala lang talaga ako sa wisyo ng mga panahong 'yon" agad ko naman siyang tinitigang mabuti

"O-oy bakit? N-nag-gwapuhan ka na naman sa akin?" agad ko siyang sinamaan ng tingin,

"Are you taking drugs?" direktang tanong ko sa kaniya, agad namang nanlaki ang mga mata niya

"Ria! Ano ba namang tanong 'yan?!" hindi na ako nagsalita pero tiningnan ko parin siya

"I'm not taking drugs okay?! Kilala mo ako, tsaka mahal ko papa at mama ko at ang magiging kapatid ko at ikaw--" agad naman siyang naputol sa pagsasalita, "kasi bestfriend kita diba? hehe" I just nodded

"So bakit bigla kang naging ganun? Parang monster tapos ngayon akala mo kung anong puppy dahil napakaamo" sabi ko sa kaniya, ngumiti siya pero mahahalata mong pilit

"Let's not talk about that okay? Mahalaga okay na ako. Ito naman ang gusto mo diba? Bumalik yung dati mong Cyrus?" I just smiled and nodded

"I'm really sorry Ria, babawi ako" I nodded again, "you should really do Mr. Castro" sabi ko naman sa kaniya, agad naman niya akong inakbayan

"Mahal kita" sabi niya sa akin, "bestfriend" agad akong napangiti, I pinched his cheeks

"You're so sweet! I lab you too bespren!" sabi ko at inakbayan din siya.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon