FOURTY-FOUR

279 6 1
                                    

Keera's Point of View

"Aga mo naman akong sunduin" i told him, ngumiti lang siya

"Mom wants to see you again" sabi naman sa akin Jaydon kaya't napangiti ako

"Don't worry, pupunta ako sa inyo once na magka-time" he just nodded

After the party, na-meet ko halos lahat ng family niya. Nung nakauwi nga ako halos bagsak ako agad sa kama dahil sa pagod.

Nakita ko rin si Lolo Jo at Lola Cara, nakakamiss nga nung mga panahong nagkagalitan pa kami ni Jaydon dahil kay Dianna at nasaksihan yun nila hahaha.

Nakarating din naman  kami sa school. Hinatid rin naman ako ni Jaydon sa room.

Sobrang boring dahil wala parin si prof. Dito kasi sa room na 'to, wala man lang ako ka-close kaya wala akong nakakausap, hindi tulad dati na sila Lily and Julian.

Maya maya dumating na yung prof, kaya't nagsi-ayusan na kami ng upo.

Lumipas ang mabilis na oras, free time namin and after this, uwian narin. And thanks God kasi nasurvive ko ang araw ngayon.

Pumunta nalang akong library, para narin mag-advance reading. Ang bait ko noh?

"Hoy, panget" I rolled my eyes nung narinig ko na naman ang boses niya

"Hoooooy" sabi niya, at umupo pa sa harap ko. Pero hindi ko siya tinitingnan kasi kapag pinansin mo daw ang papansin lalo daw magpapapansin. Gets niyo?

"Sungit mo talaga. Ba't ka kaya nagustuhan ng kuya ko?" nilapag ko ang binabasa ko dahil wala narin akong maintindihan dahil sa daldal niya, at tiningnan ko siya ng taimtim

"Alam mo Ford, tuwing magkikita tayo lagi mong ibini-bring yung kuya mo. At hindi na ako naniniwala na may kuya ka, parang sinasabi mo lang para guluhin ako" sabi ko naman sa kaniya. Ngumiti lang siya.. yung parang nang-aasar. See, iniinis niya lang ako

"Sungit talaga," I just rolled my eyes, "may kuya ako" sabi niya na naman. Pero hindi ko na siya pinakinggan pa

"Gusto mo makita kuya ko?" agad naman akong napatingin sa kaniya at kumunot ang noo ko

"Para maniwala kang may kuya ako, sumama ka sa akin" hindi ko alam kung ano ang sumapi sa katawan ko at tumango ako, agad naman siyang napangiti ng pilit at nagbuntong-hininga

"Ikaw lang ang makakaalam nito ah" sabi niya at tumayo na. Agad namang kumunot ang noo ko

"Alam mo pwedeng umatras. Okay lang naman kung ayaw mong makita ang kuya ko, pero alam kong matutuwa yun kapag nalaman niyang pupuntahan mo siya" hindi ko alam kung pinapaatras niya ako o pinipilit paring sumama, para talaga 'tong tanga

"Oo na. Sasama ako" sabi ko at tumayo na, napangiti na naman siya. Lumabas na kami ng school

"Sakay" sabi niya at pinagpag pa ang upuan sa likod niya, so magb-bike kami

"Hindi mo naman ako idi-disgrasya diba?" he giggled, "pwede naman" sagot niya kaya't agad ko siyang sinamaan ng tingin

"Joke lang. Sige na, sakay na" sabi niya at hinila niya na ako at napaupo naman ako, wala talagang manners.

"Kailangan mong humawak sa likod ko panget" sabi niya naman, "hindi ka naman naka-motor diba? at hindi ganun kabilis ang takbo mo hindi ako mahuhulog" sabi ko sa kaniya

"Ang daming sinabi. Bahala ka" at napatili ako sa ginawa niya nung nagpaliko siya. Binilisan nga ng loko, kaya't pinalo ko ang likod niya pero mahina lang naman

"Sabi ko sa'yo eh" sabi niya sa akin, I just rolled my eyes at kinapitan ko nalang ang polo niya. He wish na yumakap ako sa bewang niya noh

Agad naman kaming nakarating, bumaba na ako sa bike niya.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon