Keera's Point of View
Pagkatapos ng nangyari kagabi, agad na sinamahan kong umuwi si Jaydon. At nalaman nga ni Tita Jayzille at ni Tito James ang nangyari. Syempre galit na galit si Tito James
*Tita Jayzille Calling
Agad naman na sinagot ko 'yon "Hello po?" tanging nasabi ko. Nakakapagtaka kasi tinawagan pa niya ako
"Keera, can we talk?" agad akong tinamaan ng kaba. Bakit ang seryoso ng boses niya? Hindi ako sanay.
"Y-yes po tita" sabi ko naman sa kaniya. I heard her sighed, "Okay let's just meet" at binigay niya sa akin ang place.
Kinakabahan ako. Hindi pa ako kinakausap ng ganun ni Tita. Paano kung paghiwalayin niya kami ni Jaydon?! Ah! Keera you're just overthinking.
*****
Agad naman akong nakarating sa pagkikitaan namin ni Tita Jayzille. Late nga ako ng 30 minutes
"Keera!" agad naman akong napatingin sa tumawag sa akin. Si Tita Jayzille nga. Agad naman akong lumapit sa kaniya at umupo
"Do you want to order some food first?" pero umiling lang ako. Hindi ako makakakain kung ganito pakikitungo sa akin ni Tita Jayzille, yung seryosong seryoso.
"Are you sure?" I just nodded. Pinilit kong ngumiti sa harap niya, "may sasabihin po ba kayo sa akin?" hindi siya sumagot pero tiningnan niya lang ako until she sighed
"Keera.." and she held my hand, "Nakita mo na ang nanay ni Lawrence diba?" agad naman akong tumango. Binitawan niya ang kamay ko
"How is she? Anong hitsura niya? Maayos ba siya? Kahapon mo lang ba talaga siya nakita?" nagulat ako sa mga tanong ni Tita Jayzille
"Mukhang okay naman po siya. Maayos naman po ang hitsura niya, wala naman pong mali sa kaniya. And yes, I've just seen her yesterday" sabi ko kay tita Jayzille. Nakita ko naman sa hitsura ni Tita Jayzille na parang hindi siya mapakali
"Tita, ano po ba ang nangyayari? May problema po ba?" nakikita ko ang frustration sa mukha niya
"Natatakot ako, Keera" nagulat ako sa sinabi ni Tita Jayzille. Para na siyang naluluha
"Natatakot ako na baka bumalik sa kaniya si James" at tumulo ang luha niya pero pinunasan niya agad 'yon, "Baka kunin niya si Jaydon at pati narin si James" sabi ni Tita Jayzille
"T-tita.. hindi naman po siguro ganun yung mommy ni Jaydon. At tiyaka imposible pong iwan ka ni Tito James. Magkakaroon na po ulit kayo ng anak" sabi ko naman ulit sa kaniya. Pero umiling lang siya
"Ayon nga. Paano kung hindi ako iwan ni James dahil lang sa anak namin?" tuluyan na siyang lumuha, "Erin is her first love. I was there when Erin left him. I saw him at his worst. I was Jame's secretary back then, and when Erin left him.. he really became a mess" patuloy sa pagtulo ang luha niya. Agad na umupo ako sa tabi niya at hinagod ang likod niya
"Tita please.. don't stress yourself too much. Makakasama 'yan sa baby niyo" agad na hinawakan ko ang kamay niya na nanginginig, "Tito James loves you. He really loves you even Jaydon loves you. Hindi ka nila iiwan" pagpapatahan ko sa kaniya
"May karapatan parin si Tita Erin kay Jaydon dahil siya parin ang ina ni Jaydon. She can be with Jaydon but it doesn't mean that she has a right to get away Jaydon from you" agad siyang napatingin sa sinabi ko
"Tita, kailangan paring maayos ang relasyon ni Jaydon kay Tita Erin. She's still his mother pero hindi siya pwede manggulo," tiningnan ko siya sa mata, "After all, kayo ang nandiyan since she left Tito James and Jaydon. Kayo ang nag-alaga kay Jaydon for how many years. Tita, kasal na kayo ni Tito James kaya wala kang dapat ipag-alala" sabi ko na lamang at napatahan ko nga siya
BINABASA MO ANG
If I Stay
Action"Maybe If I Stay.. You'll just get hurt" -Jaydon Lawrence Pierce "Maybe If You Stayed.. I'm not hurt right now" -Keera Orianna Carson