SIXTEEN

270 2 0
                                    

Keera's Point Of View

1 month has passed, naging malapit kami ni Xavier. Lagi kaming magkasama sa loob ng 1 month na yun, hindi ko alam pero feeling ko he also like me hindi naman sa pagiging assumera pero diba mararamdaman mo naman yun?

He always sweet to me, napakagentleman niya sa akin. Kilala na nga siya ni mommy dahil tuwing weekends nalabas kami, tutor ko rin kasi siya. Pero walang umaamin sa amin. Friends with benefits eh? HAHAHAHAH joke.

Kami ni Jaydon? Ayon frenemies! Bwisit yung monster na yun. MONSTER TALAGA SIYA!!!

Si Cy? Ewan ko doon pero biglang nagbago, parang lumayo ang loob niya sa akin. Same with Lily masyado silang malayo sa akin. Dalawang bestfriend ko pa ha? Grabe. Wala naman akong ginagawang masama.

"Keera, punta ka mamaya sa garden ha? pagkauwian" sabi sa akin ni Xavier. Agad naman akong napalunok.

"B-bakit? May sasabihin ka ba sa akin?" agad namang ngumiti siya at tumango. Omg, lord ito naba ang matagal kong hinihintay?!

"S-sige. Mga 6 pupunta ako hehehehe" lumalakas na tibok ng puso ko, napatingin ako sa oras 1 pm palang. Sht ang bagal ng oras!! Easy Keera easy.

"Aasahan ko 'yan ha?" agad naman akong tumango, umalis na siya at umupo sa tabi ni Lily kinulit niya na naman. Sanay na ako diyan sa kaniya.

"Don't go dumb" I rolled my eyes when I heard those cold voice.

"And why? Are you my boss, my father or what?" inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, ayan na naman siya!!

"You'll get hurt Keera" tiningnan niya ako sa mata, kaya ako din. Sinscere siya sa sinabi niya...bigla na siyang umalis. What does he mean by that?

Hay nako Keera! Don't mind him, ginugulo niya lang isip mo. Napatingin ako sa labas nakita ko si Cyrus na napadaan kaya agad akong napangiti at hinabol ko ito

"Cyyyyyyyy!!!!" at agad na niyakap ko siya nang patalikod. Excited kasi akong magkwento sa kaniya eh hihihihi

"H-hala.. oy bakit?" tanong niya ng namumula. Agad naman akong ngumiti.


"Tara samahan mo akong kumain ng ice cream, treat ko!" sabi ko pa sa kaniya at pumalakpak.


"S-sorry wala akong ganang kumain.." agad na nawala ang ngiti sa labi ko. Nasaktan ako sa sinabi niya

"Are you avoiding me Cyrus?" agad namang nanlaki ang mga mata niya, I find it cute to the point na I want to pinch him but I can't serious mode kami.

"N-no ofcourse...it's just that uh.." agad na nagsalita ako, halata naman na.

"Bakit mo 'ko iniiwasan? Wala akong sakit. Sana naman kung iiwasan mo ako, tell me. Hindi yung para akong tanga na isip ng isip ng dahilan kung ba't mo ako iniiwasan. Pareho lang kayo ni Lily" at tumalikod na ako, nasasaktan ako sa ginawa nila hindi ba nila alam yun? Or sadyang manhid lang sila? He grabbed my hand at pinaharap niya ako sa kaniya.

"Keera, hindi sa ganon. I'm sorry okay? I just got confused these past few months sorry..." agad naman akong nagtaka sa sinabi niya pero pinagsawalang bahala ko nalang dahil gusto ko na talaga ikwento kay Cy ang mangyayari sa amin ni Xavier mamaya.

"Okay...oh sige tara! Libre na kita" before he refuse, I've already grabbed his hands.

Pagkadating na pagkadating sa canteen agad na pumili ako ng flavors, syempre para 'di ako basagin ni Cy sa pagkukwento ko. Nang maiorder ko na agad ko namang nilapag iyon sa table.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon