HADES
"Bro, what do you think about the new layout?" Di ko siya pinansin at tutok pa rin ako sa laptop ko.
"Dude!" Tinuktok nito ang lamesa ko.
"Ah yes? Ano ulit yun?" Sabi ko.
"I said, what do you think about the new layout?" He repeated.
"It's much better than the first one. Less complicated na ang structures nito." Sagot ko habang sinusuri ang plano. "You better finish it early, so we can start the construction as soon as possible."
Tumango ito at kinuha ang mga plano. "I think I'll go ahead. I'll see you tomorrow, Castellanos." Nakangising sabi nito.
"See you, Perdeveja." Sagot ko naman.
Pinanuod ko siyang lumabas ng opisina ko. Dali dali kong inayos ang mga gamit ko. Hinugot ko ang papel mula sa bulsa ko. Matagal akong tumitig doon. May kung anong kaba ang namuo sa dibdib ko. Sana nga nahanap na kita. Sana lang talaga. Kinuha ko ang mga gamit ko, nagmamadali akong tumayo at lumabas ng opisina. Mabilis kong narating ang parking lot.
"May lakad ka?" Di ko napansin na nandun din pala si Kali.
"Yeah." I nodded.
"Drive safely." Saka siya sumakay papasok ng sasakyan at pinaharurot ito.
Sumakay na rin ako sa sasakyan ko at pinaandar ito. Mabilis kong narating ang address na nakuha ko. I've been searching for months in Batangas, hinanap ko ang mga malalapit na kaibigan namin. Maski si Cleo wala na rin doon kaya nahirapan ako. Buti na lang ay may nakita akong kamag-anak nila at binigay sa akin ang address ng bahay. Di ko alam na sa Maynila ko lang pala siya matatagpuan. Narating ko ang lugar at ipinarada sa gilid ang sasakyan. Iba ang inaasahan ko sa lugar, inaasahan ko na dikit dikit at barong barong ang mga bahay dito pero nagkamali ako. Kung titignan ko ang mga bahay, masasabi kong nasa middle class sila. Di ganon kahirap at hindi rin ganon kayaman. Mabilis kong napukaw ang paningin ng mga naroon. Nilapitan ako ng isang bakla at isang batang babae.
"Anong hanap natin, papa?" Tanong nito.
"Ahh... Do you know where the Leventis' residence?" Tanong ko rin.
"Ano raw Leventis? Sino yun?" Dinig kong bulong nito sa batang babae.
"Saan daw yung bahay ng Leventis. May kapitbahay ba tayong Leventis?" Bulong din nito ngunit rinig na rinig ko.
Hindi kaya nagkamali lang ako ng lugar na napuntahan? Baka hindi rito yun at nagsasayang lang ako ng oras. "Xianna? May kilala kayo? Xia kung tawagin." Sabi ko.
"Ahhhh. Si ate xia pala ang hanap mo." Sabi ng bata.
"Kakilala nyo?" Tanong ko.
"Oo naman noh!" Masayang tugon nito.
"Hay nako papa wala siya rito ngayon. May lakad ang dyosa." Singit naman ng bakla.
Pumalakpak ang mga tenga ko ng marinig ko ang mga iyon. Gustong magtatatalon sa tuwa. "May I know where?" Dali daling tanong ko.