Mabilis na binalot ng liwanag ang kwarto. Naka unan ang ulo ko sa dibdib ni Kairos at nakapulupot ang mga kamay niya sa akin, "Good morning, love." Bati nito tsaka hinalikan ang noo ko.
"Good morning, handsome." I giggled.
Inunat niya ang katawan tsaka mabilis na tumayo, "Mag-ayos na tayo baka maiiwan tayo ng eroplano."
"Maligo ka na. I'll cook some breakfast." Sabi ko bago ako lumabas ng kwarto.
Bumaba ako ng kusina para mag-asikaso ng agahan. Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko, buong araw na kasama ko si Kairos sa isang napakaganda at napaka payapang isla ng Siargao.
Naihain ko na ang mga pagkain at sakto naman ang pagbaba ni Kairos. Inaya ko na itong kumain, "Mag-ayos ka na. Ako na sa mga hugasin." Sabi niya.
"Okay. Maliligo lang ako." Paalam ko.
Tinungo ko ang itaas upang maligo at mag-ayos. Halos kalahating oras din ang nagugol ko sa pag-aayos ng sarili. Nakahanda na ang lahat sa ibaba ng matapos ako.
"Are you ready, beautiful?" Tanong ni Kairos.
Binigyan ko ito ng tango tsaka ako kumapit sa mga braso niya. Binitbit niya ang mga gamit namin at isinakay sa sasakyan, "Good morning, love birds." Bati ni Saint.
"Good morning, Saint." Nakangiting bati ko.
"Let's go. Can't wait to spend the rest the day with you." Kinurot ni Kairos ang ilong ko.
Agad naman akong sumakay ng sasakyan. Lalong lumalago ang excitement sa akin habang papalapit kami sa airport.
"Let's go, love." Inilahad ni Kairos ang kamay sa akin.
Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya. Nagpaalam na kami kay Saint tsaka dumiretso sa loob ng airport. Di matanggal ang ngiti sa mga labi ko. Ang sarap sa pakiramdam na ang lalaking pinakamamahal ko, masosolo ko sa isang mala paraisong lugar.
Oras na para sumakay kami ng eroplano. Tanaw na tanaw mo sa ere ang siyudad na pinupuno ng nagtataasang gusali ngunit habang tumatagal kami sa himpapawid, unti unti itong napalitan ng naglalawakang dagat at nagtataasang mga puno.
"Napaka ganda..." Wala sa sarili kong sambit.
"Parang ikaw. Napaka ganda." Nakangiting sabi ni Kairos.
"Ang corny mo!" I stucked my tongue out and he let out a chuckle.
Lumipas ang isa't kalahating oras at lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin. Nang makababa kami ay sumakay pa kami ng taxi para marating ang lugar na tutuluyan namin.
Nakakabighani ang ganda ng lugar. Ang mala kubong disenyo ng resort, nagtataasang palm trees, ang nagpuputiang buhangin at ang napaka tingkad na kulay asul na dagat. Unang tingin pa lang ay talagang mabibighani ka na agad dito.
Nang marating namin ang tutuluyan namin ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa na napaka lambot na kama, "Ang ganda ganda dito!" Sigaw ko habang nag papaikot ikot ako sa kama.
"Calm down." Natatawang sabi ni Kairos at umupo ito sa kama.
"Thank you, mahal ko. Naappreciate ko na naglaan ka ng isang araw para sa ating dalawa." Sinserong sabi ko.
"Anything for my love." Nakangiting sabi niya.
"Magpahinga na muna tayo. Mag surfing tayo mamaya." Humiga ito sa tabi ko.
Daig ko pa yung tumama sa loto. Tinitignan ko pa lang siya, alam ko na kung ano magiging klaseng ama siya sa mga anak namin. Napaka swerte ko na meron akong tapat at mapagmahal na nobyo. Di ako nagkamaling sumugal sa kanya.