Chapter Twenty

18 3 3
                                    

Tinignan ko ang minamanehong sasakyan ni Kairos hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Di ko na siya pinayagang manatili dahil sumusobra na ang pagiging pilyo niya, kahit sinasabi niyang ihahatid niya lang ako hindi pa rin ako pumayag. Alam ko na yang mga style na ganyan.

"Pasaway..." Natatawang sambit ko sa sarili.

Tinungo ko ang kwarto para magbihis dahil kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Habang nag-aabang ng masasakyan natanaw ko ang isang babae na nakatingin sa gawi ko, hindi ko alam kung sa akin ba ito naka tingin o sa paligid ko. Hindi ito katangkaran, sakto lang ang haba ng buhok, maputi, napakaganda niyang babae. Hindi ko na ito pinansin at sumakay na ako sa humintong jeep.

Sakto ang dating ko sa restaurant. Naghahanda na ang mga kasama ko sa pagbubukas. Nang mabuksan ang restaurant, unti-unti namang dumami ang mga tao.

"Table number 17, please." Sabi ni Margaux.

Agad kong kinuha ang order at sinerve ito. Nahinto ako nang makita ko ang pag seservan ko ng pagkain ay ang parehong babae kanina. Di ko na lang ito pinansin at inilapag ko na ang mga order niya, "Here's your order ma'am. Ham and cheese croissant and you're white tea." Nakangiting sabi ko.

"Thank you... Uhm. What's your name?" Tanong nito.

"Xianna po." Sagot ko.

"Thank you, Xianna." Nakangiti namang tugon nito.

Bumalik ako sa counter. Naging abala naman ako sa pag seserve sa ibang costumer. Kaliwa't kanan ang abot ko ng mga pagkain sa kanila. Lumapit si Marvs sa akin at siniko ako.

"Girl, bet ka ata nun oh." Bulong niya.

"Huh? Sino?" Kunot-noo kong tanong.

Ngumuso ito at tinignan ko naman ang tinuro nya. Yung babaeng nakita ko kanina ang tinutukoy niya, nakatingin ito sa amin habang humihigop ng tsa-a.

"Kanina pa nakatingin sayo yan. Bet mo mga shibuli te?" Tanong nito.

"Malabo ba mata mo? Eh mas maganda pa sa akin yan. Paano ako matitripan niyan? Baka ikaw kamo ang gusto." Natatawang sabi ko.

"Espada rin ang hanap ko. Sorry siya." Nagtataray na sabi nito bago bumalik sa kusina.

Dumaan ang tanghali at ang hapon. Unti unti nabawasan ang mga tao hanggang sa magdilim at tuluyan ng naubos ang mga costumer. Abala kami sa paglilinis nang may kumatok sa pinto. Agad naman lumapit si Marvs.

"Girl! Para sa'yo daw oh!" Kinikilig na sabi nito.

Inabot niya sa akin ang bouquet ng bulaklak. Nangingiti ko namang inamoy ang mga yun. Alam kong kay Kairos galing yun.

"Ang sweet naman ni Kairos." Nakangusong sabi ni Margaux.

"Sana ako rin may papa na ganyan ka sweet." Sabi naman ni Marvs.

"Makakahanap din kayo." Natatawang sabi ko.

Iniligpit na namin ang mga gamit tsaka tuluyang nilisan ang restaurant. Pagkalabas ko ay agad naman akong sinalubong ni Kairos. Dinampian niya ng halik ang mga labi ko.

"Thank you sa bulaklak mahal ko." Nakangiting sabi ko.

"What flower?" Nagtatakang tanong nito.

"Ito." Ipinakita ko ang hawak kong bouquet ng bulaklak. "Hindi ba sa'yo galing 'to?"

Umiling ito at kinuha ang bulaklak. Kinuha nito ang maliit na card na naka-ipit sa mga ito. Di ko man lang napansin yun kanina. Binasa niya ito at kumunot ang noo niya.

'Nice to see you, Xianna Leventis.'

"Kanino naman nanggaling ang mga ito?" Tanong ko.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon