Chapter Fifteen

23 3 4
                                    

XIANNA

Pinilit kong ikalma ang sarili. Naririndi na ang mga tenga ko sa bangayan nila tapos ngayon pinaabot na talaga nila sa pisikalan. Di na nila nirespeto ang burol ng nanay ko. Kung ako ang dahilan ng pinag-aawayan nila, mabuti pang wag na silang lumapit sa akin.

"Xia! I'm sorry. We didn't mean to disrespect you, especially si tita." Sabi ni Hades habang nakasunod sa akin papuntang kusina.

"Hindi ba kayo nag iisip dalawa? Nakakahiya sa mga bisita. Tignan mo yang mukha mo. Para kayong batang nagbabangayan." Inis na sabi ko bago ko ini-abot sa kanya ang basang towel.

"I'm sorry, Xia. I got jealous." Sabi nito.

"Nagseselos ka? Bakit? Tayo ba? Sinabi ko naman na sayo hindi ba? Wala kaming ginahawang masama. Mahirap bang intindihin?" Inis pa rin na sabi ko.

"Umuwi na kayong dalawa. Bukas na kayo bumalik kung gusto nyong makipag libing at kung maayos na rin ang pag iisip nyong pareho." Sabi ko tsaka ko siya tinalikuran.

Matapos ang mga nangyari kanina ay mas pinili ko na lang ang magsawalang kibo at manahimik. Mas inintindi ko ang ilang bisita.

Mas lumalim na ang gabi. Unti unti ng nabawasan ang mga bisita. Iilang kamag-anak lang namin ang naiwan at ang ibang kakilala naman namin ay naiwang nagsusugal pa rin sa labas ng bahay. Nagpaalam na rin sina Von na uuwi na para makapag pahinga.

"Di ka pa ba uuwi, Cleo?" Tanong ko.

"Maya maya na. Para may kasama ka." Sagot nito.

Madaling araw na nang maisipan nilang magsi-uwi. Mag isa kong inasikaso ang mga naiwang bisita. Ilang oras na lang ay kukunin na ang bangkay nya para ilibing. Lumapit ako sa kabaong niya at gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

"Mahal na mahal kita, Ma. I'll see you soon."

Mabilis na napalitan ng liwanag ang dilim. Nakahanda na ang lahat para sa libing. Kakaunti lamang ang taong sumama sa libing. Nakasakay kami ngayon ni Cleo sa kotse ni Hades papuntang simbahan para sa pagbasbas sa kabaong ng yumao.

Tahimik naidaos ang misa at isa isa kaming lumapit sa kabaong upang basbasan ito. Sumunod ay tinungo namin ang sementeryo. Ipiniwesto ang kabaong at binuksan ang takip nito para masilip ng lahat ang kabuuan nito sa huling pagkakataon. Naramdaman ko nanaman ang lungkot at sakit. Alam kong naihanda ko na ang sarili ko kagabi pero bakit ngayon ang bigat bigat ulit ng pakiramdam ko.

Dinasalan muli ang bangkay, bago ko kinuha ang rosaryo na nakapulupot sa kamay ni mama. Nanginginig ko itong itinaas bago ko ito putulin. Ginagawa ito dahil ito raw ang mag sislbing gabay nila sa kabilang buhay. Kasabay ng pagputol ko sa rosaryo ay siya ring pagbagsak ng mga luha ko.

Naramdaman ang pagyakap sa akin ni Hades. Para akong batang humagulgol sa dibdib nito habang marahan naman niyang hinahaplos ang buhok ko.

"Shh. It's okay." Sabi nito.

Muling isinara ang kabaong at ibinaba na ito sa kuhay. Isa isang naghagis ng bulaklak ang mga naroon at kasama na ring inilibing ang mga gamit ni mama. Ayoko man pero yun ang kasabihan sa amin. Nang maibaba na ito, pinanuod ko lang itong matabunan ng lupa. Isa isang nag-alisan ang mga nakipaglibing, naiwan akong nakatayo at pinagmamasdan ang libingan nito.

"Wala ng galit at sakit diyan, makakapag pahinga ka na." Nakangiti kong sambit.

"Hey." Si Hades na nakayakap mula sa likuran ko.

"Bumitaw ka nga." Pilit kong tinatanggal ang mga kamay nito.

"Sorry na. Di na ako makikipag-away." Sabi nito at ngumuso na parang bata.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon