Chapter Thirty-One

19 3 3
                                    

Mataas na ang sikat ng araw pero hindi ko pa rin nililisan ang higaan ko. Ang sakit pa rin. Hindi ko man lang mailaban yung babaeng mahal ko. Walang gana kong tinungo ang banyo bago ako bumaba papuntang kusina.

Kumunot ang noo ko ng makitang may mga nakahaing pagkain sa mesa. Lumabas mula sa kusina si Acel na may dalang pinggan, "What are you doing here?" Tanong ko.

"Naisip ko na baka may hangover ka kaya pinagluto kita." Sagot niya.

"Paano ka nakapasok dito?"

"I let her in." Nilingon ko ang boses, si Saint.

Hinila ko ang braso niya at dumistansya kami kay Acel. "Why?" Mariin na tanong ko.

"Naabutan ko siya dito kaninang umaga. I let her in and we talked about your divorce. Di pa rin siya pumapayag." Paliwanag niya.

Tinalikuran ako nito at dumiretso sa hapag-kainan. Umupo ako sa harap nito at sinaluhan ito.

Hindi ako komportableng naka-aligid sa akin si Acel. Kahit anong gawin niyang pampalubag loob ay hindi nito makukuha ang loob ko. Hindi niya ako mababawi sa mga ginagawa niya.

"Mauuna na ako. Salamat sa pagpapatuloy." Paalam ni Acel bago kami iniwan.

"Nakakausap naman pala ng matino yang asawa mo eh. Akalain mo yun, nililisan din naman pala ng mga demonyo yung katawan niya." Sabi ni Saint.

"Ex. Ex-wife." Pagtatama ko.

"Whatever."

Nang matapos ang tanghalian ay agad naman akong dumiretso sa opisina. Para tapusin ang naiwang trabaho. Abala ako sa pagdadraft ng mga plano nang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.

"Hey... Kamusta ka?" Tanong ni Kali.

"Not as good as the other day." Nakangiting sabi ko.

"Alam mong hindi alak ang sagot sa problema mo. Drinking while working? Really?" Tanong niya nang mapansin nito ang bote ng alak sa lamesa ko.

"Don't worry about me."

"Bakit ba kasi at pumasok ka pa? Bakit hindi mo na lang siya puntahan? Puntahan mo na habang hindi pa lumuluha ang langit." Sabi nito habang nakatingin sa bintana.

"Tapusin ko lang 'tong ginagawa ko." Nakangiting sabi ko.

"Drive safely. You're drunk." Ginulo nito ang buhok ko tsaka ako tinalikuran.

Lumipas ang oras at nilisan ko ang opisina. Agad kong minaneho ang sasakyan ko papuntang bahay ni Xia pero walang tao rito kaya tinungo ko ang bahay ni Cleo, nagbabakasakaling nandoon ito.

Nakailang pindot ako ng doorbell pero walang lumalabas na tao mula sa loob. Nandito kaya siya?

"Xia!" Sigaw ko pero wala pa ring lumalabas na tao. Naka-ilang sigaw na ako pero ganun pa rin.

Nagsimula ng lumikha ng ingay ang langit, nagbabadyang bubuhos na ang ulan ano mang oras.

"Xia parang awa mo na. Mag usap naman tayo!" Sigaw ko.

Ilang minuto pa akong nanatili sa tapat ng bahay ni Cleo hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan. Di pa rin ako natinag sa pagkakatayo ko roon.

"Xia! Alam kong nandyan ka. Di ako aalis dito hangga't di mo ako kinakausap." Sigaw ko.

Maya maya ay natanaw ko na ang pag bukas ng pinto ng bahay ni Cleo.

"Cleo! Please naman oh. Pasabi kay Xia kailangan ko siyang maka-usap." Pagmamakaawa ko.

"Kairos! Umuwi ka na. Nababasa ka na ng ulan!" Paki-usap niya.

"No. I'm not going anywhere hangga't hindi ko siya nakakausap." Pagmamatigas ko.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon