Ilang araw na akong ganadong pumapasok sa trabaho. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin na ayos na kami ng nanay ko. Si Hades naman ganun pa rin, patuloy pa rin sa pagkuha ng loob ko. We're not dating or anything, alam kong klaro sa kanya yun dahil pakiramdam ko ay hindi pa ako handa ngayon.
"Lalim ng iniisip ah. Makakapag date din kayo." Sabi ni Margaux.
"Loko hindi naman yun ang iniisip ko." Natatawa kong sabi.
"Consistent tong si dadi ano? Everyday sinusundo si ate mo girl." Sabi naman ni Marvs.
"Ikaw talagang bakla ka hahaha" natatawang sabi ko. "Sige na iseserve ko na 'to baka mapagalitan pa tayo." Sabi ko at tsaka ko binuhat ang tray.
Ganun uli ang eksena. Dagsa ang tao at kaliwa kanan ang kuhaan ng mga orders. Unti-unti na akong nasasanay sa sistema kung paano ang takbo at ikot ng mga tao kaya di na rin masyadong mahirap para sa akin ang ginagawa ko.
Dumaan ang tanghali at hapon, unti unti nang nababawasan ang mga costumer hanggang sa umabot na ang pagsasara ng kainan. "Natapos din ang araw!" Sabi ko habang inuunat ang likod ko.
"Wala yata ang dadi mo ngayon girl." Sabi ni Marvs.
"Oo nga" Sabi ko.
Di ko pa nakikita ang sasakyan ni Hades. Mas nauuna pa nga yun kesa sa pagsasara ng kainan. "Baka busy kaya wala." Sabi ko tsaka naman nag ring ang phone ko.
"Xia?" Si Hades.
"Bakit?" Tanong ko.
"Sorry I can't come. May emergency meeting with a client. I'm really sorry." Paliwanag nito.
"Ayos lang. Mag cocommute na lang ako pauwi. Mag-iingat ka."
"Sorry. I love you." Pahabol nito.
"Okay." Tsaka ko pinutol ang linya.
Isa isa na nag-paalam ang mga kasama ko sa trabaho at nag-abang na ako ng masasakyan. Maya maya ay biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko.
Bumaba ang bintana ng sasakyan, "Get in." Utos nito.
KAIROS
I was busy swirling my whiskey and not paying attention to Aki. Hades told us that he and Xia are dating again. He wore a really proud face saying that he finally got his girl back. I'm happy for him. I really am, but deep inside. It hurts. I don't know why.
"Can't you believe it? Ang dating naudlot na pagmamahalan nila matutuloy! I didn't know na may girlfriend pala si Hades nung lumipad tayo papuntang Spain." Nakangiting sabi nito.
Di ko pa rin siya pinansin at patuloy pa rin ako sa paglalaro sa basong hawak ko. Ganun pa rin ang trato sa akin ni Hades, na para bang kaagaw niya ako sa lahat ng bagay.
"Hey are you okay? Kanina ka pa tahimik." Sabi ni Aki.
"Pagod lang sa trabaho." Buntong hininga ko.
"Do you like her?" Tanong nito at agad akong nag-angat mg tingin sa kanya.
"What? Who? Xia? Of course not!" Agad na dipensa ko.
"Wala akong sinabing pangalan. Pero dahil nabanggit mo na si Xia. Do you like her ba? Cause' I see the way you look at her." Sabi niya.
Cleo invited us sa restaurant nila. I didn't know na dun pala nagtatrabaho si Xia. Naiilang ako sa tuwing maghaharap kaming tatlo dahil sa tuwing mapapatingin ako sa gawi ni Xia lumalabas ang pagiging sarkastiko ni Hades, na hindi ko naman pinapalampas kaya nauuwi kami sa sagutan.
"Ganun na ganun yung tinginan mo dati kay–"
"Don't even go there, Akira." Pamumutol ko sa kanya at agad namang sumama ang mukha ko.