Chapter Thirty-Five

10 3 1
                                    

KAIROS

Mataas na ang sikat ng araw and here in my arm lies the most beautiful girl in the world, my wife. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya, pimagmasdan ko ang kabuohan ng mukha niya. She's with me pero pakiramdam ko may kulang sa akin.

Dahan dahang dumilat ang mga mata niya, "Good morning, beautiful." Bati ko.

"Good morning..." Nakangiting sabi nito.

Kumawala siya sa mga yakap ko at tumayo. Mabilis kong hinila ang kamay niya dahilan para mapa-upo ito sa pagitan ng mga hita ko. Yumakap ako sa likuran nito at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya, "Samahan mo muna ako dito." I murmured.

"Magluluto lang ako ng agahan." Sabi nito habang tinatanggal ang mga kamay kong nakayakap sa kanya.

"Si Kali na bahala doon. Please?" Pagmamakaawa ko.

"Wag ka na makulit. Pag luluto na lang kita ng paborito mo." Sabi nito at kumawala sa yakap ko.

"Okay. Kiss." Lumabi ako.

Sandali itong tumitig sa akin bago niya ibinaba ang mga labi sa akin. Mabilis ko itong inihiga sa kama at puma ibabaw sa kanya, "Ano bang ginagawa mo?" Gulat na tanong nito.

"What?" Nakangising sabi ko.

"Umalis ka nga! Kairos!" Pagpupumiglas nito.

I crashed my lips on her and my hands wandered to her body. I'm busy doing my business nang biglang bumukas ang pinto. Agad naman akong napalingon at nakita si Saint na nakatingin sa amin habang nakabuka ang bibig.

"I didn't mean to interrupt you guys but breakfast is ready." Sabi nito.

Umalis ako sa ibabaw ni Acel, "Ikaw pasaway ka. Bumaba na tayo." Piningot nito ang tenga ko.

"Susunod ako." Nakangiting sabi ko.

Tinungo ko ang banyo at naghilamos. Sandali akong napatitig sa salamin. Pansin ko ang mga kilos ni Acel, na para bang ang ilap nito. And who's this Xia? Lagi niya itong nababanggit na laging pinag aawayan namin.

I don't remember falling in love with her. Wala na akong ibang minahal na babae mula nung ikasal ako kay Acel that's why it's so impossible that I had an affair with another girl.

I shook my head and went downstairs. Agad akong sinalubong ni Hades at Akira, "Hey baby boy! How are you? Nakaka-alala na ba yang utak mo." Sabi ni Akira habang kinakatok ang ulo ko.

"Bakit siya tinatawag mong baby? Ako hindi?" Nakangusong sabi ni Saint.

"Eh mas mukhang baby naman 'tong kuya mo." She rolled her eyes.

"Stop it! Kayong dalawa talaga. Alam nyo ba parang wala naman akong nakalimutan. May amnesia ba talaga ako? Eh halos lahat naman kayo naaalala ko." Nakangiwing sabi ko.

"Yeah right. Let's eat." Aya ni Hades.

Masaya kaming nagsalo sa hapag. Di ko alam kung kailan ulit kami nagsalo ng ganito kasaya. Abala ako sa pagkain ng may maalala akong isang hindi pamilyar na pagkain.

"Did some of you know, bulanglang na papaya?" Tanong ko.

"How come you can remember a food you ate a few years ago but not the person who cooked it?" Natatawang sabi ni Hades.

Kunot-noo ko itong tinignan. Alam ko na ang babanggitin nanaman nilang pangalan ay si Xia. Nakakarindi na paulit ulit kong naririnig ang pangalang yun. Kung talagang importante siya sa akin, bakit ko siya nakalimutan? Isa lang ibig sabihin sa nun, her existence doesn't matter to me anymore. I have my wife and we'll make a wonderful family.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon