Chapter Eighteen

22 3 2
                                    

HADES

Bumalik ako sa loob para kumuha ulit ng maiinom. Nahilamos ng mga palad ko ang mukha ko. I knew that she's already in love with Kairos. Gusto ko sa kanya mismo manggaling. Ang mali ko lang pinagpilitan ko pa rin ang sarili ko kahit alam kong talo na ako.

"Nag-usap na kayo?" Si Cleo.

Tumango ako at ininom ang alak na hawak ko. Di naman siguro masama kung makakaramdam ako ng sakit. Normal naman yata ang masaktan.

"Are you okay?" Tanong nito.

"Sino ba naman ang magiging okay kapag nabasted?" Natatawang tanong ko.

"Right. Sino nga ba?" Natatawa ring sabi nito bago ininom ang alak na hawak.

"I'm wondering why? Bakit yung best friend ko pa? Bakit si Kairos?" Tanong ko.

"Tinanong ko rin yan sa sarili ko noon. Paulit ulit kong tinatanong. Ano bang meron sa kanya na wala sa akin? But then I realize, we can't force someone to love us. Hindi natin pwedeng diktahan ang puso kung kanino ito dapat at hindi dapat mahulog." Nakangiting sabi nito.

She's right. I can't blame Xia for loving Kairos. I had all the opportunity to love her, to keep her but I fucked up. I left her heart broken for three years, now she already found someone. Someone who's better than me.

Gustuhin ko mang magalit but I can't. Dahil hindi lang naman ako ang unang lalaking binasted sa mundo, kaya ko naman tumanggap ng pagkatalo. Hindi ko sasayangin ang oras ko para lang magalit dahil hindi ako binalikan ng taong gusto ko. Always choose forgiveness over anger.

"Are you mad?" Tanong nito.

"I'm not." Humarap ako sa kanya.

"If you're not mad, ano lang?"

"Hurt. I'm hurt, Cleo." Nakangiting sagot ko.

"Sabagay, wala namang nagmamahal na hindi nasasaktan." Tinapik niya ang balikat ko tsaka ito umalis.

Sino nga ba ang nagmahal nang hindi nasaktan? Maybe in the next lifetime, Xia. I wish there's something waiting for us beyond forever. Maybe in the next life, you would be my girl again.

KAIROS

Sinundan ko ng tingin si Hades, punong puno ng pagtataka ang isip ko. Ano bang sinasabi niya? Pinapa ubaya na ba niya si Xia?

"Hey? What the hell just happened?" Tanong ko kay Xia.

"You tell me." Taas kilay na sabi nito.

Matagal akong tumitig sa kanya. Ibig sabihin ba, akin na siya? Gusto nya rin kaya ako? Do I have a chance? Bahagyang lumiwanag ang mukha ko. Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko. I opened my mouth and I'm about to say a word but someone grabbed my arm.

"Kali!" Singhal ko. Panira naman!

"Saint's here." Sabi nito.

Kumunot naman ang noo ko at bumaling ang tingin ko kay Xia, "Sorry, I have to go."

Bumagsak ang mga balikat niya at tumango. Gusto ko mang manatili pero kailangan naming sunduin si Saint. Nilingon ko si Xia at binigyan naman ako nito ng napaka tamis na ngiti, 'I'm sorry, I'll be back.' Sambit ko sa isip ko. Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan at mabilis namang sumunod si Kali sa akin. Dumiretso kami sa airport para sunduin ang nakababata naming kapatid.

Napaaga ang punta niya? Nagawa kaya niya ang pinapagawa ko? Tanaw na agad namin siya sa malayo, itinabi ko ang sasakyan at hinayaang sumakay ito.

"How's your flight, Santi?" Tanong ni Kali.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon