Chapter Seventeen

20 3 7
                                    

"Hades!" Gulat na sabi ko.

Agad naman kaming nagkatinginan ni Cleo, tila ba nag iisip ng sasabihin. Ang dami daming pagkakataon na pwede siyang sumingit sa usapan bakit ngayon pa? Wala sa hulog lagi ang timing.

"Kumain ka na?" Tanong ko para maiba ang usapan. "Kumain ka muna. Nagluto si Cleo." Di ko alam kung halatang tensyonado ba ako o hindi.

"I already ate and kaya rin ako napadaan gusto kayo imbitahan ni Akira sa bahay nila. She's having a party." Sabi nito.

"I'll go. Di ko alam kay Xia kung pupunta sya." Sabi ni Cleo at nag angat ng tingin sa akin.

"I'll go din. Masyadong malungkot dito sa bahay." Sabi ko.

"Great! I'll see you guys there at seven. Anyways, ano nga pala yung kailangan kong malaman?" Pagbabalik nito sa usapan na agad namang nagbilis ulit ng tibok ng puso ko.

"Uhh... You deserve to know that..." Di ko matuloy ang mga sasabihin ko dahil wala akong maisip na rason.

Nararapat ko na bang ipaalam sa kanya? Hindi naman yata patas sa panig niya kung pinili ko lang siya dahil yun ang tingin kong tama at naguguilty ako sa nagawa ko.

Muling bumaling ang tingin ko kay Cleo para humingi ng tulong pero patuloy lang ito sa paghigop ng kape niya. Humugot ako ng malalim ng hinga.

"Hades. Please stop. Kung ano man yung ginagawa mo ngayon, stop it." Sabi ko.

Kumunot ang noo nito, "Stop what? I'm not doing anything."

"You're loving me, that's what you're doing. Stop loving me, Hades."

Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. Kasalanan ko naman kung bakit kami umabot sa ganito dahil hinayaan ko lang siya na gawin ang gusto nila, kung una pa lang nilinaw ko na. Wala sanang nasasaktan ng malala ngayon.

"Why? What did I do? May nagawa ba akong mali? Kung tungkol pa rin 'to sa pakikipag suntukan ko kay Kairos. I'm sorry." Puno ng pagtataka ang mata nito.

"Wala kang ginawa, okay? Sa akin yung problema hindi sayo. Hades, I can't give you the love that you're giving to me." Ang bigat sa dibdib ng mga binitawan kong salita.

"Why? May iba na ba?" Tanong niya.

"May iba o wala, I can't go back to you." Mahinang sabi ko.

Matagal itong tumitig sa akin bago umalis sa harap ko. Tinignan ko ang pinto kung saan siya lumabas. I don't know if I'm overreacting or what. My heart left broken for three years without any idea why he left me, pero ngayon na nahanap ko na yung sagot. Nahanap ko na rin yung taong sumagot sa mga katanungan ko.

Naramdaman ko ang pag basa ng mga mata ko. Unti unting lumabo ang paningin ko. Gusto lang naman niyang mahalin ako pero hindi ko kaya. Mas masasaktan ko siya ng sobra kapag nagpatuloy pa 'to dahil mas pinipili ko na si Kairos.

"That was intense." Sabi ni Cleo.

Lumapit ito sa akin at hinaplos ang likod ko. "Sis, you did the right thing. I know it's hard pero kailangan mo kasing gawin dahil kung hindi pare pareho kayong masasaktan." Paliwanag nito.

"Namili na ako. Now what?" Tanong ko.

"Confess your feelings, I guess?" She shrugged her shoulders.

"What? Di ginagawa ng babae yun." Sabi ko habang nagpupunas ng luha.

"Hey! Can we please normalize woman doing the first move? Wala namang batas na nagsasabing lalaki lagi ang mauunang kumilos." She rolled her eyes.

"Whatever, Cleo. Baka nakakalimutan mong nasa Pilipinas tayo, wala ka sa Italya. Kahit anong galaw mo dito, pupunahin ka." Nakangiwing sabi ko.

"Whatever." Sabi nito bago niligpit ang mga pinagkainan.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon