KAIROS
Nakapark ang kotse ko sa harap ng bahay ni Xia, nagbabaka sakali akong uuwi siya. Tinitigan ko ang singsing na ibinalik niya sa akin. Tuluyang nagpira-piraso ang puso ko. Kasalanan ko. Kasalanan ko lahat. Kung hinayaan ko na siya noon at hindi ko na sana pinilit ang nararamdaman ko, wala sana akong nasaktan ngayon.
Paulit ulit kong pinaghahampas ang manibela ng sasakyan ko. Naramdaman ako ang paninikip ng dibdib ko at paghabol ko ng hininga. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
"I'm sorry, mahal ko..." Bulong ko.
I reached for my phone and dialed her number pero nag riring lang ito. Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi niya ito sinasagot, "Pick up the phone, please..."
Napahilamos ako ng mukha at patuloy sa pagbagsak ang luha ko. Napa-angat ako ng tingin ng may kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Si Hades.
Umikot ito sa sasakyan ko tsaka sumakay. Ini-abot sa akin nito ang bote ng beer, "Ganda ng waiting spot mo. Nakakasiguro ka bang nandito siya?"
"She's not here. Na kila Cleo siya, nagbabaka sakali lang ako na baka maisipan niyang umuwi." Sabi ko.
"Bakit hindi mo puntahan dun? Kesa naman inuubos mo ang oras mo dito kakahintay? Kung hindi umuwi? Nagsayang ka ng oras." Sabi nito bago itinungga ang alak.
"I'm willing to wait. I need to fix this. Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko.
"Kali called. Kaninang umaga ka pa daw wala sa inyo, alam ko naman na walang ibang lugar na pupuntahan mo kaya dumiretso ako dito. Dumidilim na ang langit Kairos. Wala bang balak umuwi? Magparamdam ka man lang sa mga kapatid mo, nag-aalala sila sayo. Sabi niya.
"Hades, I'm sorry. You made me promise one thing but I broke it." Nakatungong sabi ko.
He let out a chuckle, "I didn't know that you're still married to Acel. Kung alam ko lang, di na sana ako nag paraya."
Mas nadagdagan ang kirot sa puso ko. Ano nga kaya ang pakiramdam ni Xia ngayon kung hindi nagparaya si Hades para sa akin. Sobrang saya kaya niya? May luha pa rin kayang papatak sa mga mata niya? Kung hindi ako yung mimahal niya, nararamdaman kaya niya yung sakit na pinaramdam ko sa kanya?
"Di ko gustong saktan siya. Di ko sinasadya. Ready na yung divorce paper namin pero nagkanda leche leche lahat..." Napasabunot ako sa sarili.
"Nangako ka sa kanya, Kairos. Nangako ka na hindi mo uulitin yung sakit na dinulot ko noon, pero ngayon dinoble mo." He sighed.
"I'm sorry..." Tuloy pa rin ang pagluha ko.
"Wala naman na magawa yang sorry mo. Tapos na, nangyari na. Kahit ilang libong beses kang magbanggit ng sorry, hindi mo na mababawi yung sakit na naidulot mo."
"Di ko alam ang gagawin. Ayaw niya akong kausapin, ayaw na niyang makita ang pagmumukha ko." Nakaramdam ulit ako ng kirot sa dibdib.
"Paghirapan mong mabawi siya. Patunayan mo na hindi mo siya susukuan, ipakita mo na bumabawi ka." Nakangiting sabi niya.
Pinatong nito ang kamay sa balikat ko, "Mapapatawad ka rin nya. Siguro hindi ngayon pero alam kong darating din ang araw na yun."
Bumaba ito ng sasakyan, "Mauna na ako. I'll tell Kali na you need time for yourself. Mag-ingat ka. Wag mong pabayaan ang sarili mo." Sabi nito bago isinara ang pinto ng sasakyan.
Matiyaga pa rin akong naghintay sa tapat ng bahay niya. Hindi ko magawang umalis baka kasi bigla siyang dumating at di ko siya maabutan. May balak ka bang umuwi, Xia? Kailangan bang puntahan ulit kita kila Cleo?