Chapter Thirty-Four

14 3 5
                                    

SAINT

Bitbit ko ang pagkain papunta sa kwarto ni Kairos. Tulog pa rin ang loko. Hanggang ngayon hindi pa rin bumabangon. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at nakitang nandoon si Kali at Acel.

"Tulog pa rin?" Tanong ko.

"Di pa rin bumabangon." Sagot ni Kali.

"Kuya. Aba bumangon ka na dyan. Isang taon ka ng tulog baka gusto mo ng gumising. Naghihintay kami oh. Baka lang naman gusto mo na." Natatawang sabi ko.

He's been in a coma for almost a year now. I thought we're gonna lose him after the accident. May tumusok na bakal sa likurang bahagi ng ulo niya which damaged some part of his brain. He's lucky dahil hindi sobrang bumaon sa ulo niya yun pero at the same time malas niya dahil halos isang taon din siyang nakaratay sa kama.

Acel already told us everything. Alam kong gusto lang niyang itama ang mga pagkakamali nya. Alam kong di niya kasalanan o kagustuhan na maranasan 'to ng kapatid namin. Hangad lang niya ang katahimikan ng lahat.

Bumaling ang tingin ko kay Acel na nakatitig kay Kairos. I feel bad for her, every night na babantayan niya si Kairos dito sa kwarto lagi kong naririnig ang hikbi at iyak niya. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari pero wala namang may gusto ng lahat ng ito.

Abala ito sa pagmamasahe ng binti ni Kairos pati na rin ang kamay at braso niya. Halos araw araw niya itong ginawa para daw hindi masanay ang mga muscle ni Kairos na nakahiga at nakapahinga lang. Sa paraan daw na ito, hindi siya mahihirapang magkilos kung sakaling gumising man siya anong oras.

"Hey. Don't be too hard on yourself. Hindi mo kasalanan. Taon na ang lumipas pero sarili mo pa rin ang sinisisi mo. Ipahinga mo naman mga mata mo." Sabi ko.

"Kung hinayaan ko na lang sana silang dalawa. Kung sinabi ko na lang agad ang mga nalaman ko. Kung pinigilan ko lang sana siyang umalis nung gabing yun. Wala sanang nakaratay sa harap natin ngayon." Naluluhang sabi nito habang patuloy sa pagmasahe.

"Wala namang may gusto nung nangyari. Wag mo na sisihin ang sarili mo." Ipinatong ko ang mga kamay ko sa balikat niya.

"When he wakes up. I'm done. I'm out of his life. Sorry for hurting your brother, Saint. Pinagsisisihan ko lahat." Sabi nito habang nagpupunas ng luha.

"Sana mahanap niya yung kapatawaran sa puso niya." Nakangiting sabi ko.

"I'll tell Xia about it. Kapag nahanap na namin siya. Ulit." Buntong hininga nito.

"Bakit naman umalis yang kapatid mo ng walang paalam? Pwede siyang magsimula ulit kasama si tito."

"Baka hindi pa niya tanggap. Baka hindi pa siya handa." Sabi nito.

Nagpaalam na itong uuwi at binigyan ko lang siya ng tango. Muling bumaling ang tingin ko sa kapatid kong nakaratay sa kama. Di ko akalain na may mas malala papalang mangyayari sa kanya kumpara sa mga nangyari noon.

Napaka hilig kasing gumawa ng desisyon sa tuwing napapangunahan siya ng emosyon. Laging padalos dalos ang mga ginagawang hakbang, di na iniisip kung ano ang magiging dahilan. Basta pabor sa sarili niya, akala niya pabor na rin sa lahat.

"Di ka pa rin ba babangon? Gigising ka na ba kapag sinabi kong naghihintay si Xia sa'yo sa baba? Para ka namang bakla eh. Ano ka si snow white? Naghihintay ng hahalik? Gumising ka naman na oh." Binigyan ko ng mahinang suntok ang braso nito.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto at nilingon ko kung sino ito, si Hades at Akira, my baby.

"Kamusta siya?" Tanong ni Hades.

"Ayan. Tulog pa rin." Sagot ko.

Bumaling ang tingin ko kay Akira, "Hi, baby." Nakangiting sabi ko.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon