XIANNA
I don't know how many years have passed. I've been living in Europe for four years now. I left London dahil pakiramdam ko, hindi yun yung buhay para sa akin. So selfish of me for asking some money from my father and left. I'm expecting na ipapahanap ako nito para ibalik sa kanya pero hinayaan lang ako nito. After those years, ngayon lang ako nagparamdam sa kaniya. Gusto kong ipakita sa kanya na sa mga taon na nawala ako ay may narating ako kahit papaano.
I started a business here in Italy. I owned a clothing and cosmetic shop, Cleo helped me by lending me enough money to start my business. Luckily, I've got myself some investors. Now, I'm planning to launch my brand on the Philippines. Matagal tagal na rin mula ng nilisan ko ang bansang yun.
"Hey..." Cleo called.
"Buona Sera..." I greeted.
"Good Evening." Nakangiting sabi nito at tumabi sa akin.
"Have some wine." Sinalinan ko ang basong nasa harap niya.
"Are you sure? You're ready to go back in the Philippines?" Tanong niya.
Natigilan ako sa pagsalin ng alak sa baso niya, "At bakit naman hindi? Pupunta tayo dahil personal tayong inimbitahan ni Francis na pumunta doon para sa birthday ng tatay niya. Di tayo pupunta ng Pilipinas, para sa mga taong iniisip mo." Nakangiting sabi ko.
"Wala akong binanggit na pangalan. Masyado kang defensive." Natatawang sabi nito.
"Kamusta na kaya sina Von at Kassie? Namimiss ko na sila." I pouted.
Matagal tagal na rin nung huli ko silang nakita. Nang lumago ang business ko dito, umuwi ako ng Pilipinas para bigyan sila ng damit at mga make up na hilig na hilig ni Von. Patago pa akong nakipagkita sa kanila para lang walang makakita sa akin. Nakakataba ng puso dahil ang tahanan na iniwan ko sa kanila ay alagang alaga nila, di nila ito pinabayaan.
"Ikaw naman kasi sinasama kita noon para ikaw yung mag-abot ng regalo nila nung pasko, nag iinarte ka pa." She rolled her eyes.
"Eh sa ayoko nga. Tsaka baka may makita pa sa akin dun."
"Dami mong arte. Gusto mo may pa grand entrance ka pa sa comeback mo." Nakangiwing sabi niya.
"Aba dapat lang. Gusto kong makita nila kung ano na narating ko ngayon." Taas-noo kong sabi.
"How about Zanea?" Bumaling ang tingin niya sa naglalarong bata.
"What about her? Of course, she's coming with us. Baka namimiss na siya nila tito at tita."
"What if Kairos finds out that he had a daughter with you? Paano kung kunin niya si Zanea?" Tanong nito.
Ilang linggo pa lang ang nakakalipas noong nagpunta kami rito sa Italy nang malaman kong buntis ako. Akala ko noon dala lang ng pagtatrabaho yung hilo na nararamdaman ko hangga't na napagdesisyunan ni Cleo na dalhin ako sa doctor. Walong linggo na akong buntis nang malaman ko.
Cleo helped me throughout my pregnancy. Nung maipanganak ko ang anak ko, halos hindi ko na siya mabitawan. Unang tingin mo pa lang sa kanya masasabi mong anak nga siya ni Kairos. She had his eyes beautiful eyes and his wonderful lips. Kaya hindi na ako magtataka kung unang tingin pa lang ni Kairos sa kanya ay iisipin na agad nito na siya ang ama.
"Magkakamatayaan muna kami bago niya makuha ang anak ko." Seryosong sambit ko.
"Mama!" Tawag ni Zanea.
Kinuha ito ni Cleo at pinaupo sa hita niya, "Yes, baby?" Tanong ko.
"Are we going to see grandpa and grandma?" Tanong nito habang kinakain ang tinapay na hawak. Ang mga magulang ni Cleo ang tinutukoy nito.