Chapter Nineteen

24 3 4
                                    

XIANNA

"Table number 35!" Sigaw ni Margaux.

"Girl, table number 35 daw." Siniko ako ni Marvs para bumalik ako sa katinuan.

Agad ko naman kinuha ang naka-abang na order at sinerve ito. Hanggang ngayon pakiramdam ko na sa langit pa rin ang mga paa ko. Ilang linggo na ang lumipas mula ng umamin sa akin si Kairos pero hanggang ngayon kilig na kilig pa rin ako.

"Mahal kita..."

Parang musika sa mga tenga ko ang mga sinabi niya. Di ko maiwasang ngumiti habang pabalik ako sa counter para kunin uli ang pagkaing iseserve ko.

Napakaraming tao ngayong araw kaya naging abala rin kami. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko, ni makaramdam ng pagod ay hindi ko naramdaman. Ngayon na lang yata ulit ako naging ganado. Mabilis lumipas ang oras at kailangan na naming magsara.

"Girl pahingi naman ng tinitira mo, buong araw kang nakangiti eh. Di ka nauubusan ng lakas." Natatawang sabi ni Margaux.

"Siya ang tinitira kamo." Singit ni Marvs at pinandilatan ko siya ng mata.

"Aba! Marvs ikaw yang bibig mo ha!" Napuno ng tawanan ang restaurant.

Nagpaalam na ako sa kanila dahil dumating na ang sundo ko. Ang napaka gwapo kong sundo. Tumakbo ako palapit sa kanya na parang bata. Mabilis naman pumulupot ang kamay nya sa bewang ko at siniil ng halik ang labi ko.

"How's your day, beautiful?" Tanong ni Kairos.

"Nakakapagod pero okay lang naman." I giggled.

"Where do you want to eat?" Nakangiting tanong nito.

"Sa bahay na tayo. I'll cook for you." Kinindatan ko siya.

"Okay." Binigyan ako nito ng nakakalokong ngisi.

Mabilis niyang minani-obra ang sasakyan at narating namin ang bahay. Ibinagsak ko ang mga gamit ko sa upuan tsaka ako dumiretso sa kusina para magluto, hindi na ako nakapag palit ng damit.

Abala ako sa pagluluto nang biglang may yumakap mula sa likod ko. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko. "Mmm. You smell delicious." Sabi nito habang binabaon pa rin ang mukha sa leeg ko.

"Kairos, tumigil ka nga! Nagluluto ako." Saway ko.

"Magpahinga ka na muna. I'll cook." Sabi nito bago inagaw ang sandok na hawak ko.

Di na ako nagmatigas at hinayaan ko na itong magluto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa, ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa trabaho. Nanatili akong nakahiga at di namalayang naka idlip ako.

"Love..." Nagising ko sa boses ni Kairos.

"Halika na, kumain na tayo." Aya nito bago ako hinila patayo.

Naupo kami sa hapagkainan at nagsimulang kumain. Di ko maipagkakaila na masarap ang luto ni Kairos. Sobrang saya ko dahil ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam, he's so consistent. Sana hindi lang ito hanggang simula.

Matapos kumain ay muli kong hiniga ang katawan ko sa sofa. Agad namang tumabi sa akin si Kairos.

"Are you okay?" Tanong nito.

"Nangangawit yung mga binti ko."

"Here, let me massage you." Ipinatong niya ang mga binti ko sa hita nya.

Nagsimula niyang hilutin ang mga binti ko. Napapaliyad ang katawan ko sa tuwing didiin ang masahe nya sa binti ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko and I started to tease him. Nilaro ko ang butones ng suot niyang long sleeve gamit ang daliri ko sa paa.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon