Chapter Thirty-Seven

12 3 4
                                    

"Xia! Ano na girl? Ang tagal mo!" Sigaw ni Cleo habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko.

"Wait!" Sigaw ko.

Ikinawit ko ang hikaw sa magkabilang tenga ko. I wore a long evening black dress with a slit on the side. My hair tied up in a messy bun. Kinuha ko ang pouch bag ko at dumiretso na sa baba.

"Ang tagal mo naman mag-ayos." Salubong ni Cleo.

"Eto na nga eh." Nakangusong sabi ko.

Sakto ring bumaba si Tito kasama si Zanea. Agad akong lumapit dito at nagpaalam na aalis, "Zanea, you behave okay? Wag mo bigyan ng sakit ng ulo ang lolo't lola mo." Paalala ko.

"Okay. Bye-bye mama and mommy-ninang" She kissed my cheeks and waved her tiny hands.

"Let's go." Aya ni Cleo.

We hopped on her car and drove off. Narating namin ang lugar na sinabi sa amin ni Francis. Pagpasok namin sa loob ay kitang kita mo na ang mga malalaki at kilalang tao pagdating sa larangan ng negosyo.

"Miss Leventis, Miss Primrose. Welcome..." Nakangiting bati ni Francis.

"Ang formal mo naman masyado." Natatawang sabi ni Cleo.

Bumaling ang tingin namin sa matanda, "Happy Golden Birthday, Sir. Thanks for the invitation." Nakangiting sabi ko.

"Thank you. Enjoy the night, ladies." Sabi nito bago kami tinalikuran.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Na tila bang parang may hinahanap ang mga mata ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na 'to, "Bakit ko ba siya hinahanap? Tsk." Natatwang sabi ko sa sarili.

Parang kahapon lang inis na inis ako sa ideyang magkukrus ulit ang mga landas namin tapos ngayon hahanapin ko siya? Ano ba naman 'tong utak ko.

"Girl. Kuha lang ako food, sama ka?" Tanong ni Cleo.

Binigyan ko ito ng tango at sumunod sa kanya. Patuloy pa rin ang pag lingon ko sa paligid, "Wag mo na hanapin yung wala." Sabi ni Cleo.

"Wala naman akong hinahanap ah?" Taas kilay kong sabi.

"Whatever. Kanina ka pa lingon ng lingon. Duh?" Nakangiwing sabi nito.

Pabalik na kami sa lamesa namin nang may mabunggo si Cleo na lalaki, "Cleo ayos ka lang?" Tanong ko.

"Kasi naman 'tong–" Napatigil kaming dalawa nang mag-angat kami ng tingin pareho.

"Hades!" Halos sabay naming sabi ni Cleo.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko at napakagat ako ng labi ko. Sabi ko na nga ba eh! Alam kong nandito sila. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko sa lugar na 'to. Ang dami daming pagkakataon, bakit ngayong gabi pa?

Matagal nakatitig sa amin si Hades na tila bang hindi mahanap ang tamang salita na sasabihin. Sinenyasan ko si Cleo na bumalik na kami sa mesa namin bago pa bunalik sa wisyo ang utak ni Hades.

"Xia, wait..." Tawag nito.

"Hi, Hades. Nice to see you here." Nakangiting sabi ko.

"Nice to see you too. Kamusta ka? You look lovely." Sabi nito.

"I'm fine. Balik na kami sa table namin." Paalam ko.

Hinila ko ang braso ni Cleo at dali dali kaming umalis sa harapan niya. Di na namin nagawang lingunin ito.

"Sabi ko na nga ba nandito sila eh." Sabi ko nang maka-upo kami.

"Alam mo?" Tanong ni Cleo.

"Kanina pa kasi hindi maganda yung pakiramdam ko sa lugar na 'to. Sila siguro yung dahilan." Sagot ko.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon